Advertisers
ARESTADO sa kasong estafa at falsification of public documents ang 55-anyos na lalaki sa mga tauhan ng Rizal PNP-Highway Patrol Group kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Sa ulat kay P/BGen. Eleazar Matta, director ng Highway Patrol Group dakong 7;09 ng gabi ng maaresto ang suspek na si Ronald Antonio Condino, 55-anyos ng mga tauhan ng Rizal PNP-Highway Patrol Group sa tulong ng Parañaque City Police.
Ang suspek ay gumagamit umano ng iba’t -ibang pangalan na may warrant of arrest sa kasong Estafa at Falsification of Public Documents na inilabas ng local court ng Parañaque na may piyansang P18,000.00.
Ayon kay Catherine Sta. Ana, isa sa 4 na biktima Marso 18, 2025 ng ibenta ng suspek sa kanya ang isang sasakyan sa halagang P450,000.00 dakong ika-3 ng hapon sa isang gasoline station sa C-5 Extension Las Piñas.
Natuklasan ng ginang na peke ang mga dokumento ng ibirepeka ito sa Land Transportation Office o (LTO).
Pinuri naman ni BGen. Matta, ang mga tauhan nito sa matagumpay na pag-aresto sa suspek kasabay ng panawagan na posibleng biktima din ng suspek na magtungo sa Rizal PNP-Highway Patrol Group para maghain ng pormal na reklamo laban sa suspek.
Anya pa, ang PNP-HPH ay nanatiling matatag sa misyon par tiyakin n protektado ang komunidad laban sa krimen. (Edwin Moreno)