Advertisers

Advertisers

LEADERSHIP NI QC MAYOR JOY, TRANSPARENCY!

0 2,688

Advertisers

Ang paggo-goobyerno ay dapat na pinamumunuan ng HONEST at TRANSPARENT LEADER para sa pakikipagkooperasyon ng mga nasasakupan tungo sa progreso ng pangkalahatan na siyang CREDENTIALS na tinataglay ni QUEZON CITY MAYOR JOSEFINA “JOY” BELMONTE- ALIMURUNG.

Nitong Lunes (June 30,2025) ay pormal na isinagawa sa MICE CENTER, QUEZON CITY HALL COMPLEX ang naging panunumpa ni MAYOR JOY BELMONTE para sa ika-3 termino nito bilang MODEL LEADER sa kanilang lungsod na sinaksihan ito ng kaniyang amang si dating HOUSE SPEAKER at dati ring QC MAYOR FELICIANO “SONNY” BELMONTE JR.., na ang nagsilbing OATH OFFICER ay si SUPREME COURT CHIEF JUSTICE ALEXANDER GESMUNDO.

Ang ARYA ay sumasaludo sa naging mahusay na PAMUMUNO ni MAYOR JOY BELMONTE na marapat lamang tularan ng lahat ng mga nagsisilbing CHIEF EXECUTIVE sa mga bayang kanilang nasasakupan upang magkaroon ng tunay na progreso sa kani-kanilang mga lugar.

“We need a government that is participatory and transparent,” bahagi sa naging pananalumpati ni MAYOR JOY BELMONTE na 6-taon itong nagsilbi bilang LEADER sa kanilang lunsod at nawika pa nito ang mga katagang “We can now proudly say that Quezon City is the standard of local governance.”

Kasama sa mga nanumpa ay si QC VICE MAYOR GIAN KARLO SOTTO
at ang 6 na CITY DISTRICT COUNCILORS gayundin ang mga DISTRICT REPRESENTATIVE na muling inihalal ng mga QC RESIDENT ay nanumpa rin na kinabibilangan nina DISTRICT 1 JUAN CARLOS ATAYDE; DIST. 3 FRANZ PUMAREN; DIST. 4 JESUS MANUEL SUNTAY; DIST. 5 PATRICK MICHAEL VARGAS at DIST. 6 MARIA VICTORIA CO PILAR.

“Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na makapaglingkod ulit sa inyo,” pahayag ni MAYOR BELMONTE sa lahat ng mga nagsidalo at para sa kabatiran ng buong QC RESIDENTS.

Para sa huling termino bilang CHIEF EXECUTIVE ni MAYOR JOY BELMONTE sa kanilang CITY GOVERNMENT ay dodoblehin ang pagtutuon sa mga kuwalipikadong STUDENT SCHOLAR’S na magiging FUTURE LEADERS sa ating bansa, pagpapalawig ng SOCIAL PROGRAMS, presentableng HOUSING PROJECTS sa mga QC RESIDENT, pagpapalakas sa CULTURE at TOURISM at ang tuloy-tuloy na DRAINAGE PROJECTS para maibsan ang matinding pagbaha sa ilang lugar ng kanilang lunsod sa tuwing sasapit ang tag-ulan.

Ninanasang higit ni MAYOR JOY BELMONTE ang QUALITY LIFE ng kaniyang mga KAKYUSI sa paraang paglulunsad ng mga SEMINAR/TRAININGS para sa iba’t ibang uri ng mga pagnenegosyo at mga pangkabuhayan lalo na sa mga kategoryang “nasa laylayang lipunan” o mga mahihirap na residente.

Sa pagpapairal ng TRANSPARENT GOVERNANCE ay ipinaiiral nito ang PAGSESERBISYONG TAPAT, mahigpit na kampanya laban sa CORRUPTION at iba pang mga KATIWALIAN na may ilang LAW ENFORCERS ang nadisiplina o napatanggal sa SERBISYO dahil sa pag-abuso sa kanilang mga posisyon.., na pinahahalagahan ang karapatan at pagrespeto sa lahat ng uri ng kasarian gayundin ang pangangalaga sa seguridad ng mga kabataan!

CONGRATULATIONS sa magandang LEADERSHIP ni MAYOR JOY BELMONTE na sana’y matularan ng lahat ng mga nanunungkulan sa larangan ng PUBLIC SERVICE sa kabuuan ng ating bansa!

—000—
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com
para sa inyo pong mga panig.