Advertisers

Advertisers

7 taong pugante, huli sa Caloocan

0 16

Advertisers

Nasakote ng Caloocan City Police ng mga tauhan ng Sta. Quiteria Police Substation 6, Caloocan City nang isilbi ang Warrant of Arrest laban sa isang Most Wanted Person sa krimen na Frustrated Murder na pugante ng pitong taon.

Sa ulat kay Northern Police District Director PBGen. Arnold E. Abad, 11:30 ng gabi ng Martes, naaresto ang 27- anyos na lalaking akusado.

Kinilala ni Police Chief PCol. Joey Goforth ang akusadong si alias “Christian”, installer at residente ng Barangay 156, Caloocan City.



Naganap ang operasyon sa loob ng Custodial Facility ng Sta. Quiteria Police Substation 6.

May krimeng sangkot na Frustrated Murder ang akusado sa ilalim ng Criminal Case No. C-98611 na.may petsang February 5, 2018, at may piyansang P120,000.00.



Hinhintay na lamang ang commitment ng hukuman para mailipat ang akusado sa City jail.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">