Advertisers

Advertisers

INNERVOICES MAY KARISMA AT TUNAY NA MAY ‘K’ BILANG BANDA

0 18

Advertisers

Ni BLESSIE CIRERA

SA kabila ng husay nila sa pagtugtog at pag-awit ay tila hindi pa rin kumbinsido ang all-male group na Innervoices na mga sikat na sila at may puwang na sa music industry.

Tsika nga ng band leader na si Atty. Rey Bergado, wala pa rin daw sa isip nila na sikat na sila. Lalo na ngayong kapapasok pa lang sa grupo ng vocalist nila na si Patrick Marcelino, kaya mistulang nanganganay na naman sila.

Ang iba pang miyembro ng Innervoices ay sina Joseph Cruz (keyboard), Jojo Esparrago (drums) Rene Tecson (guitar) at Alvin Hebron (bass).

Last Thursday ay personal nating napanuod ang pagtatanghal ng Innervoices sa Hard Rock Cafe Makati.

At totoo nga, hindi magkamayaw ang dami ng nanonood sa kanila nung gabing yun at nais makipag-collab at jam sa grupo. Ang maganda pa sa kanila, halos lahat sila ay kumakanta kaya walang sawa factor sa pakikinig sa iisang singer.
Iba’t ibang genre pa ang maririnig sa kanila lalo na ang 80s kaya marami ang nakare-relate.

Sa true lang din, wala tayong gaanong hilig sa mga banda pero naiba ito nung mapanuod ko ang Innervoices.

iba ang husay nila sa pagbanat ng kanta kaya mag-eenjoy ka talaga. Karamihan pa sa awit nila ay kapanahunan namin kaya mas lalo naming na-feel ang kanilang performances.

Binanatan din ng grupo ang ilan sa kanilang original songs gaya ng Meant To Be, Idlip, Galaw, etc.

At dahil katatapos lang ng kanilang 34th anniversary, may ilang shows na gagawin ang Innervoices gaya ng mga sumusunod: July 16 sa Tunnel Bar, July 22 sa Noctos Bar at sa July 30 sa Aromata. Siyempre, nariyan pa rin ang 19th East at ang Hard Rock Cafe.

More kantahan pa, Innervoices!