Advertisers

Advertisers

BAWAT BAHAY NA MAY CELLPHONE, PARA NA RING CASINO, AYON KAY MANILA REP. CRV

0 25

Advertisers

Naghain ng panukala si Manila second district Congressman Rolan ‘CRV’ Valeriano na naglalayong magkaroon ng ‘total ban’ sa lahat ng uri ng online gambling, legal man o illegal.

Aniya, grabe na ang negative social impact nito at ginagawa nang casino ang bawat tahanan na may cellphone ang sinumang nakatira.

Sa kanyang inihaing House Bill 1455, nais ni Valeriano na magkaroon ng total ban sa lahat ng uri ng online gambling at ito ay inaasahan umanong matalakay sa plenary sa first reading, matapos ang State of the Nationa Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos, Jr.

Sa kanyang bill, sinabi ni Valeriano na ang mas mahigpit na regulasyon ay hindi na magiging epektibo dahil aniya, ang mga addict na manunugal, kasama na ang mga kabataan, ay nakukuhang maengganyo ang mga nakatatanda na magparehistro para sa kanila, gamit ang valid IDs pero ang buong pamilya naman ang gagamit ng online gambling apps.

Mas ‘techie’ umano ang mga bata sa matatanda, kaya’t mas magaling silang makakita ng paraan para paikutan ang “know your customer” measures, habang ang bawat tahanan ay may average na isa o dalawang miyembro na may smartphones na maaring magamit sa online gambling.

Habang may mga kaparehong proposals na gusto ay itaas ang pusta sa pag-aakalang ito ang paraan para di makasali ang mga menor de edad, sinabi ni Valeriano na ang ‘minimum bet limits’ ay napakadali lamang malusutan.

“All that addicted gamblers have to do, he said, is pool their funds and share one account or share one smartphone. Easy workaround that is easy to do, but still wrong. Those who do not want to be part of any pooling of funds will steal or sell illegal drugs so they will have gambling funds,” paliwanag nito.

“The National Telecommunications Commission should already be blocking the broadband transmissions of the illegals. Those can be banned from our airwaves and broadband spectrum without a new law. The NTC is powerful enough to do it,” ayon pa sa panukalang batas.

Ani Valeriano, dapat ay bilisan ng Bangko Sentral ng Pilipinasang pagta-trabaho upang maglabas ng bagong circular at gumawa na ng mas mahigpit na regulations laban sa llegal online gambling.

“But I tell everyone now that the online gambling operators, whether legal or illegal, find ways around our laws and regulations. On our smartphones, the legal and illegal look the same. The taxes are immaterial compared to the social costs,” pagbibigay-diin ni Valeriano.

Aniya, ang mga manunugal na gustong magsugal ay dapat na sa mga casino magtungo o sa ibang onsite venues.

Kumpiyansa umano si Valeriano na makakakuha ng buong suporta sa Kamara ang kanyang panukala.

“Walang totoong nananalo sa sugal. ‘Yung mga sinasabing nakabili ng motor dahil sa sugal, dati silang naka-kotse. Ligal man o iligal, parehong sugal pa rin ‘yan na sumisira ng pamilya. Sa online gambling, para mo nang ginawang casino ang bawat tahanan na may cellphone,”ani Valeriano. (JERRY S. TAN)