Advertisers
IKA-SIYAM (9th) na taon na nitong Sabado (July 12) nang makamit ng ating bansa ang Arbitral Award na iginawad ng International Court of Justice sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na nagsasabing a5in ang West Philippine Sea na pilit inaagaw ng bansang Tsina.
Actually, halos 12 years na itong ipinaglalaban natin. 2013 nang mag-file tayo ng kaso laban sa China, matapos ang ‘standoff’ sa Scarborough Shoal standoff noong 2012, kung inyo pang matatandaan.
Biruin niyo ang dinaanan niyang laban na iyan. Upang maipamulat sa China na atin ang parte ng karagatan na iyan, na kanilang pilit inuukupa at inaagaw.
Ito ay sa kabila na kasapinrin ang Tsina sa International Court of Justice nang ipatupad ang UNCLOS. Bakit di nila, kinikilala ang desisyong ito?
Samantalang itinuturing din na ang Arbitral ruling na ito, na basehan na para sa iba pang kahawig na kaso ng pananakop sa bahagi ng karagatan ng anumang bansa.
Kung ang halos lahatnna bansa na kabilang sa United Nations ay ginagalang ang desisyon na ito maliban sa mga Tsengwa, ano ang dapat nating gawin?
Palagay ko, di natin dapat tigilan na ipaggiitan ang desisyong ito, at palaging hingin ang mga opinyon ng mga dalubhasa para maipamukha sa China na mali ang kanilang ginagawa.
Yan ay bukod pa sa iba nilang pananamantala sa atin, gaya nang abusuhin nila ang nakaraang administrasyong Duterte. Di ba pinuno nila tayo ng mga POGO? Yun eh matapos kuntsabahin ang iba pa nating opisyal na magpayaman nang dahil sa pandemic.
Di ba puro na lang pananamantala ang dinaranas natin sa nga Tsengwa? Bakit di na lang kaya natin itigil ang pakikipag-mabutihan sa kanila?
Likas nga ba sa mga Intsik ang mapagsamantal?