Advertisers

Advertisers

Martin Looter King nga ba?

0 263

Advertisers

Bakit sobrang tahimik ang main stream media (MSM) sa maraming galaw ni Speaker Martin Romualdez, aka, Tambaloslos – na di niya itinatanggi na siya nga iyon –, at mandin, sa kapal ng balat niya, hindi niya ikinahihiya na tawaging Martin Looter King ng Pilipinas.

Ang kapangyarihan niya ay maitutulad sa isang pugita, octopus, na ang bawat galamay at may matatalim na sucker at ang mahawakan, walang kawala, walang ligtas.

Mula nang maging Hari ng House of Representatives, (sabi ng marami, Representa-Thieves daw), umasta na siya na mas makapangyarihan pa sa kanyang pinsang Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at hindi mawala ang hinala, magkatuwang sila ni First Lady Liza Araneta Marcos sa pagpapatakbo ng gobyerno – na sa loob ng tatlong taon, may maililista ba tayong magandang accomplishments, aha, mayroon naman: Impeachment ni VP Sara Duterte, P20 kilo ng bigas, pagpapatapon kay dating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ingay at tension sa West Philippine Sea (WPS) at ang overdose (OD) case sa cocaine na ikinamatay ni Paolo Tantoco sa Los Angeles (LA) na very silent ang Malacanang.

Mga tanong: Ano ang kaugnayan ni Speaker sa EEI Coporation na lahat na yata ng big projects sa construction, nakopo nito, ah, kasi, si Martin ang may hawak ng badyet, at hindi mahirap isipin, posible, kaya niyang tanggihan o piliin ang konraktor na gagawa ng multi-bilyones na proyekto?

Open secret sa publiko na may “kontrata” kung magkano ang maibubulsa ng nagpondo sa proyekto, kungdi, ang bag-bidding na contractor ay hindi mapipili?

Bawat kilos ni Speaker, kailangan may “say” siya sa “magkano para kay Edi,” at “para kay Boss, para sa Itaas”, ganoon ba?

May kinalaman daw ang pamilya ni Martin kaya naipasa ang 2024 charter amendment ng Philippine Veterans Bank at kapalit, ay ang paglalagay ng investment ng PVB sa mga negosyo ng mga Romualdez?

Napansin nyo ba, wala sa MSM ang umuupak sa maraming anomalya o kontrobersiya na sangkot si Speaker – tulad ng blanks sa kinukuwestiyon ngayon sa Supreme Court (SC) na 2025 national budget na superdami ang bilyones na ipinondo sa unprogram projects?

At ang ayuda — na ginamit sa pagbili ng boto nitong nakaraang eleksyon –, sabi ni Rep. Toby Tiangco ay maraming kongresista ang nagkamal ng daan-daang milyong piso pero hindi pa rin nagawang mapanalo ang senatorial candidates ng Alyansa ni PBBM?

Puro PRs lang ang akomplishments ni Speaker, at walang umuupak sa kanya, kasi siya ang may-ari ng isang kilalang broadsheet, radio station, at totoo ba na kanya rin ang Journal Group of Companies?

Kung wala ang social media, walang makakaalam ng mga kabulastugan sa Kamara, at tanging ang hawak ni Romuwaldas na MSM ang bobokelya ng mga propaganda pabor sa kanya, at magtatakip ng mga kapalpakan, nakawan, kalokohan sa gobyerno, at nagagamit pa na pagsikil sa boses ng taumbayan at mga kritiko.

Nagagamit ni Speaker ang puwesto niya para makapagnegosyo sa minahan sa Leyte na sumisira sa kalikasan para magkamal ng salapi, at mapaboran sa pagbubuwis at iba pang batas para sa sariling pakinabang?

Kung ang mga personal.na interes niya sa negosyo ay hindi magagawang buklatin upang mahayag iyon sa publiko sa isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN), asan ang isinisigaw ni Speaker na dapat daw sa public servants ay bukas sa publiko ang sarili at nagtataguyod ng transparency at accountability?

Kaya suportado natin ang panukala ni Sen. Ping Lacson na ang lahat ng public official sa panahon ng panunungkulan ay dapat na i-waive ang bank secrecy law, ibig sabihin, hindi kokontra kung hingin ng publiko na buksan ang laman ng mga deposito sa bangko, kung kailangan.

Aywan kung susuportahan ito ng kapwa niya mambabatas, at kung totoong matapat si Lacson sa kagustuhan niyang maging bukas sa publiko at upang mabawasan ang korapsyon, magpasa siya ng resolusyon na burahin na ang Joint Resolution tungkol sa Liquidation by Certification.

Kasi, ito ay legalize corruption, maitatanong.

Kasi, hindi na kailangan pang magbigay ng kwento o resibo sa ginastos na pondo ang isang senador o kongresista sa tinanggap na pork barrel, confidential at intelligence funds, at ang ginastos sa operasyon ng opisina at tinatanggap na extra ordinary ecpenses na bilyones pesos ang halaga.

Basta ang ginagawa, mag-submit lamang ng certification na maayos, matino at wasto ang paggastos sa pera at iyon lang, ayos na — walang dokumentasyon, walang paliwanag at walang resibo.

Kung ibinulsa, walang makakaalam na taga-Commission on Audit.

Ganyan kagarapal ang paggastos nila sa pera ng taumbayan, wala nang tuos-tuos pa at kuwentas klaras basta, certification lang ay ayos na ang buto-buto ng pera ng bayan.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.