Advertisers
San Miguel’s June Mar Fajardo muling tinanghal na PBA Best Player of the Conference.
Nitong Linggo nasungkit ni Fajardo ang kanyang 12th BPC Award, para sa 2025 PBA Philippine Cup.
Sa pagtiklop ng semifinals, nangunguna si Fajardo sa statistical points race sa average na 39.6 SPs.
May average siya na 16.0 points,13.95 rebounds,3.2 assists, at 1.1 blocks per game.
Nangunguna rin ang 8-time MVP sa boto mula sa media at players para makupo ang kabuuang 1085 points value.
Naungusan ni Fajardo ang kanyang teammate CJ Perez, Robert Bolick ng NLEX, Jason Perkins ng Phoenix, at Zavier Lucero ng Magnolia para sa parangal.
Ang Beermen ay kasalukuyang nangunguna sa series, 2-1.