Advertisers

Advertisers

BBM,FL LIZA PRACTICE CULTURE OF CORRUPTION AND MORALE COMPROMISE?

0 33

Advertisers

Tila pati langit at kalikasan ay pumapabor na sa pagbubulgar ng mga katotohanan na pilit na itinatago at pinagtatakpan ng kasalukuyang gobyerno.

Dahil sa bagyong Crising at epekto ng Habagat na nagdulot ng malakas at walang tigil na pag- ulan,muling ipinalasap sa buong populasyon ng Metro Manila,mga karatig lalawigan at sa Visayas at Mindanao ang perwisyo dulot ng pagbabaha sa buhay nating mga mamamayan.

Isang linggo ito bago pa man maganap ang scheduled State Of the Nation Address (SONA) ni Marcos Jr.

Para bang sinasadyang ipaalala ng kalikasan sa sambayanang Pilipino ang lantarang kasinungalingang ipinagmalaki ng nagdaan SONA ni Bongbong Marcos patungkol sa 5,500 flood control projects na umano’y nagawa na ng bulaang gobyernong Marcos.

May pondo ang nasabing mga proyekto na umaabot sa daang bilyong piso mula sa taxpayers’ money.

Sa mga pagbahang nagaganap na Ito ngayon,tila langit na rin ang nagpapatunay na ang mga ipinagyabang na 5,500 flood control projects ay pawang ghost projects lamang at ang pondo ay nilamon at napunta na sa napakaraming buwaya sa pamahalaan.

Sampal ito hindi lamang sa pagmumukha ni BBM kundi sa uri at kalidad ng kanyang walang kuwentang liderato.

Hindi na tayo nagtataka pa kung ang isang desente at may dignidad na opisyal ng Department Public Works and Highways (DPWH) gaya ni Kalihim Manuel Bonoan ay magbitiw na bago pa man tuluyang masira sa mata ng publiko ang malinis nitong pangalan at pagkatao.

Wag nang antayin pa ni Kalihim Bonoan na sa kanya pa isisi lahat ang palpak at nakakasukang kaganapang ito sa sektor ng “public works” na alam naman ng lahat na dinadambong ang pondo ng walanghiyang mga opisyal ng pamahalaan at mga corrupt na pulitiko.

“Get the hell out of DPWH Mr.Bonoan bago pa man madurog ang iyong dignidad at buong pagkatao.You don’t deserved that Secretary Bonoan!”

Alam natin na punung- puno na si Bonoan sa mga dorobong mambabatas at mga buwayang opisyal sa administrasyong Marcos Jr.

Speaking of dignidad,meron nga ba nito si BBM at ang asawa nitong si Liza Araneta Marcos?

This couple and their cohorts continue shamelessly to practice the culture of ” corruption and morale compromise” na nagbibigay sa bansa ng malaking kahihiyan sa buong mundo.

Wala nang pakialam ang gobyernong ito sa pagsunod sa kabutihang asal at paggalang sa basic fundamental rights ng mamamayan.

Hindi na rin marunong mahiya! Sadyang walang “delicadeza” sa katawan.

Kakapalan ng face ang pinaiiral!

Isa pang mainit na isyu na tatalakayin natin sa mga susunod na mga raw ay ang isyu o ang direktang pagpalag na ng mga kasapi ng Malacanang Press Corps sa mga bagong regulasyon patungkol sa ” accreditation” ng mga mamamahayag sa Palasyo.

Wala umanong konsultasyong naganap sa pagitan ng mga taga- PCO officials at Malacanang Press Corps members bago ipatupad ang bagong guidelines sa accreditation ng mga reporters.

Napaka- bulgar naman kasi ang intensyon at motibo ng nasabing bagong guidelines na gustong ipatupad.

Gustong busalan ang mga miyembro ng MPC sa pamamagitan ng pagkontrol sa kung sino lamang ang puwedeng bigyan ng accreditations!

Natutuwa tayo na tila gising na ang mga kabaro natin sa hanap- buhay at natuto nang pumalag sa mga manipulasyong nakakapangyari dyan sa Malacanang!

Marahil, natauhan na rin ang mga taga- media na nagagamit lamang ( exploitations) sila ng kanilang mga publishers, TV at radio station owners (bosses) na may iba pang negosyo na umaasa ng pabor at iba pang pribileho mula sa gobyernong Marcos Jr.

Bias media entity owners na imbes ipaglaban ang press freedom ay vested interests at tubo sa kanilang mga negosyo and prayoridad at isinusulong?

Sinu- sino nga ba sa mga negosyanteng ito na nasa media industry businesses ang mga tax evaders at may iligal na negosyo?

Smuggling and extortion?

Marami tayong kilalang mga ganyang tao sa industriya!

Di nagpapasahod nang maayos,di nagre- remit ng SSS/PhilHealth contributions ng kanilang mga empleyado at tahasang nilalabag ang labor code!

Di ba Senator Rodante Marcoleta sir?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com