MAMBABATAS, WALANG KARAPATANG UMEPAL SA FLOOD CONTROL — SEN. ERWIN TULFO
Advertisers
“Ano kinalaman ng senador, kongresista, sa flood? Sige nga…. Ano karapatan ng Congressman o Senador na mag-flood control? None!!”
Ito ang mariing inihayag ni Senador Erwin Tulfo sa isang ambush interview sa Maynila, kung saan binigyang-din niya na ang flood control projects ay dapat na pahawakan sa national government lamang, partikular na sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Anang Senador, ang mga mambabatas ay di na dapat pang makialam sa mga nasabing programa dahil hindi nila ito trabaho.
He said, stressing that all he wants is to let the DPWH do the job.FLOOD
“I will make sure there will be an investigation on this. Hindi lang investigation, I will make sure a national government ang magi-implement at hindi pulitiko. Hindi si Congressman, hindi si Senador, kundi ang Public Works and Highways…the national government,” ani Tulfo.
“Ako po, nasa majority but I will the first one to say, no, stop. ‘Wag nating pakialaman ‘yang flood control na yan. Leave it with the DPWH,” dagdag pa ni Sen. Tulfo.
Kaugnay niyan ay inihayag din ni Tulfo na batay sa impormasyong nakarating sa kanya, ipinapa-hold ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pag-release ng pondo sa ilang flood control projects dahil sa ilang mga problemang nakita doon.
Nanawagan din siya sa mga kapwa mambabatas na may pork barrel ukol sa flood control na i-donate na lamang ang naturang pondo sa DPWH na siyang may responsibilidad ukol sa flood control.
“Let us give the money to the DPWH para walang sisihan, di ba” Gaya ngayon, ang daming pina-hold ni BBM (President Bongbong Marcos, Jr. ) na flood control projects dahil nakita niya, me mga problema. You ask Malacanang about it. I know it kasi me nagsabi sa akin pinapa-hold ni BBM, sabi ko ‘good’,” ani Tulfo.