Advertisers

Advertisers

16-anyos holdaper ng PLM student timbog

0 20

Advertisers

NAARESTO ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila City Hall ang 16-anyos na holdaper at ang buyer ng gintong kuwintas na tinangay nito mula sa babaeng estudyante Lunes ng gabi sa Paco, Maynila.

Iprinisinta ni Major Edward Samonte, hepe ng SMART, kay Mayor Isko Moreno Domagoso ang menor-de-edad na holdaper at ang 40-anyos na bumibili at nagbebenta ng ginto na si alyas “Peter” nang mabawi rito ang gintong kuwintas na kinuha sa estudyante.

Ayon kay Isko, nag-aabang ng masasakyan sa tapat ng Kartilya ng Katipunan, Linggo ng gabi ang 22-anyos na biktimang estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), kasama ang kaibigang estudyante, nang tulungan sila ng lalaki na makasakay sa pampasaherong jeep.



Sumakay din ang lalaki, at dito na tinutukan nito ng patalim ang biktima at kinuha ang kanyang suot na gintong bracelet na hindi bababa sa P21,000.00 ang halaga.

Inatasan ni Mayor Domagoso si Maj. Samonte na sampahan ng kasong paglabag sa Anti Fencing Law si alyas Peter, habang robbery sa binatilyo sa Manila City Prosecutor’s Office.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">