Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MARAMNG kasamahan ni Barbie Forteza sa industriya ang pumupuri sa kanya dahil napakahusay daw makisama, maagang dumarating sa set, at higit sa lahat walang attitude.
Isa na nga sa mga pumupuri kay Barbie ay si Ivana Alawi. Ayon sa huli, masasabi niya na ang una ang pinakamabait na artistang nakatrabaho niya Nung baguhan pa lang daw siya sa showbiz, naging approachable si Barbie sa kanya, lagi raw siya nitong kinakausap to think na isang nobody pa nga lang siya raw siya that time sa showbiz.
Isa ang premyadong direktor na si Carlitos Sigueon-Reyna na nakatrabaho ni Barbie sa horror film na “Penthouse 77” o “P77” ang pumupuri rin sa kanya.
Komento ni Direk Carlitos tungkol kay Barbie, impressed daw siya sa young actress dahil wala itong star attitude. Ang sarap daw nitong katrabaho. Nag-enjoy daw siya working with Barbie.
Ni-repost ng taga-production ng “P77” ang komentong ito ni direk Carlitos tungkol kay Barbie na may caption na, “I AGREE with direk Carlitos, isa si Barbie Forteza sa pinaka-professional at pinakamabait na artistang naka-work namin. Siya lagi ang unang bumabati, never na-late kahit segue.”
***
NAGLABAS ng saloobin si Vice Ganda sa pamamagitan ng kanyang vlog tungkol sa mga magulang na walang ginawa kundi mag-anak nang mag-anak.
Naniniwala ang TV host-comedian na kagagawan ng bawat magulang kung lumaki ang kanilang mga anak na hirap na hirap, dahil nga walang sapat na pangtustos sa mga pangangailangan ng pamilya.
Kaya ang sabi ni Vice, dapat daw nahihiya rin ang mga magulang sa pagkakaroon ng sandamakmak na anak kahit na alam ng mga ito na wala silang kakayahang bigyan ng maayos na buhay ang mga bata.
Kaya naman nasabi ito ni Vice, dahil nang naging guest niya si Shuvee Etrata sa kanyang vlog, may rebelasyon ito tungkol sa kanyang mga magulang na nag-anak nang nag-anak.
“‘Yun ‘yung naging parang hatred ko ba. Kasi, bakit ba ginawa kaming siyam? Kung hindi naman nila kaya, lima pa lang kami noon, hirap na kami,” sabi ni Shuvee.