Advertisers
HUMAHAKOT ng followers ang inspiring remarks ni Billiards King EFREN “ Bata” REYES aka ‘ The Magician. Marami mang maituturing na Greatest of All Time sa ating Pinoy Athletes ng kanya-kanya itng linya, ‘ di maikakailang deserving siya sa pagkilala, local o international sa taguring ‘The GOAT”, huwarang Atletang Pinoy, puno ng kababaang-loob sa tagumpay at kasikatan.
Aniya, “ Mag-70 na ako sa susunod na Maro. Hindi ako kailanman naghabol sa mga camera. Hindi nangailangan ng mga bodyguard. Hindi ko ito tinuring kundi Isang laro lamang. Hindi ako maingay sa kwarto, di nagsusuot ng gintong kwintas o humihingi ng alalay. Hinayaan kong mga tako ang magsalita, na pinakinggan ng mga tao”.
Lumaki sa Angeles, Pampanga, naglaro sa mga lumang bilyaran sa mga gusaling maalikabok, sira-sirang bola at mga usok ng sigarilyo, walang sponsor. Dala.ang talino, nag-aim siya, gamit ang mata kasama ang kalamnan ng tiyan. Noong Bata pa, nakakatulog sa ilalim.ng billiard table, di nangarap ng mga tropeo kundi ng pagkain, walang pangakong suporta o maging dakila, basta patuloy lang siya.
Naging “ The Magician” at age 30 dahil sa mga tirang di inaasahan. Di iyon mahika. para sa kanya..kundi mga posibilidad na di pa nakikita ng iba. At age 40, international na ang laban, tinalo niya ang mga Kano, Briton at iba-iba pa, simpleng ngiti at pakikipagkamay ang kasiyahan at umuwi sa bahay para kumain kasalo ang pamilya.
Sa edad 50, madalas matalo, bumagal ang reflexes, pagod ang mga mata, pero walang kupas ang pagmamahal at talas sa larong bilyar, Pumupunta sa bar tournament, maraming di nakaaalam, alamat na ‘The Magician’ ng Pinas at mundo ang kalaro. At 60 y/o naglaro siya di para manalo kundi para magturo, hangad lang na maalala ng next generation.
Bago mag-70, masaya siyang masdan ang pagsikat ng araw sa palayan, magturo sa mga bata mula sa pagporma sa tira.. hinahayaang manalo, nagkukwento sa kanila habang nagkakape at hot pandesal.
Iba ang touch ng payo ni “BATA”, (bansag dahil sa ngiting-paslit na walang ngipin, ayaw sa false teeth).
“Ang mapagpakumbabang buhay ay hindi maliit na buhay. Hindi lahat kailangang mangibabaw. Ang iba sa atin ay narito para magtagal..para magtiis..para manood..para magturo..para tumira sa tamang oras..at umalis na nakangiti, panalo o talo. May dangal sa katahimikan, may karunungan sa pagpipigil,, minsan..ang pinakamalakas na kamay sa mesa..ay ang kamay na marunong bumitaw…sa payapa at pulbos na chalk na mga daliri. Hindi mo kailangang maging maingay para patunayang magaling ka”. SALUDO sa nag-iisang ‘The Magician’” ng Pinoy Billiards
JULY HEYDAYS
HAPPY 2nd BIRTHDAY to REIGN CHANEL S. CENAMBRE of Taytay, Rizal, to REYNALYN DELA CRUZ, & CRISTINA LESTOR of AUPC. MBTC & Best blessings! HAPPY READING!