Advertisers

Advertisers

David naging third wheel sa date nina Dustin at Bianca

0 13

Advertisers

Ni Archie Liao

VIRAL ang naging tweet ni David Licauco sa kanyang X social media account.

Kalakip sa post niya ang litrato ng kanyang best friend na si Dustin Yu kasama si Bianca de Vera.

In other words, sinamahan niya ang dalawa sa kanilang date.

Caption niya:”Mahirap pala mag third wheel shet”

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang kanyang naging tweet.

Hirit ng iba, dapat daw ay sinama ng Pambansang Ginoo ang kanyang love team partner sa BarDa na si Barbie Forteza sa date.

Kung mangyayari nga naman ito, hindi na siya maiinggit.

Ito naman ang random na komento ng netizens.

“Hi David ?? Bakit di mo ko tinawagan? Para sana double date tayo ????”

“Ferris wheel HAHAHA”

“Bakit kasi di mo rin isama yung love team mo para di ka out of place??”

“Buti nga sinama ka pa HAHAHA may iba na talaga siyang ka call, text and ka date @davidlicauco”

“Okay lng yan, ikw lng naman yung ma Ginoo na bff at gwapong wheels nang dustbia namin”

“Sunod isama mo din si Barbie @davidlicauco pra double date”

“From Pambansang Ginoo to Pambansang third wheel haha”

“Hahahaha next time isama mo na si Barbie para double date”

“Kelan ang run nyo with Barbie?

DusBia and BarDa”

“Sinama mo sana si Barbie @davidlicauco”

“Ang saya ng Dusbi fans ang BarDa kaya kelan?”

“Sana mag-double date ang BarDa at DusBi.”

“Si David kasi, di pa nilalantad ang dyowa para di na rin umasa pa ang BarDa fans.”

“Hanggang third wheel na lang ba ang Pambansang Ginoo.”

“Isama mo na kasi si Barbie para di ka na mainggit.”

“Looking forward to your double dates.”

Matatandaang naging guest housemate noon si David sa Bahay ni Kuya para magbigay ng suporta sa kanyang kaibigang si Dustin.