Advertisers

Advertisers

Sine Basketball!

0 40

Advertisers

Space Jam, White Men Can’t Jump, Glory Road, Hustle at Coach Carter.

Dunkin Donato, Mr Basketball, Dobol Dribol, Rookie, Ball at Last Two Minutes.

Yan mga ilang mga lokal at international na pelikula tungkol sa paborito nating sport.

Pinakapolular ang Space Jam ng Hollywood.

May version ni Michael Jordan at ni LeBron James. Kasama nila ang mga cartoon character ng Looney Tines. Nagsanib puwersa ang NBA stars ar si Bugs Bunny para ipagtanggol ang mundo sa mga alien.

Pinaka-latest naman na English movie ang Hustle (2023) na pinagbidahan ni Adam Sandler bilang talent scout.

Ang Pinoy na film mga mga karamihan ay mga comedy. Ganyan ang halaw sa komiks na Dunkin Donato kung saan bida si Benjie Paras. Parehas ito ng Last Two Minutes na tinampukan nina Alvin Patrimonio, Jerry Codinera at Paul Alvarez na gawa ng Regal ni Mother Lily..

Strictly pang- entertaiment lang talaga.

Yung mga seryoso ang tema ay mga dokyu o short film gaya ng Bahag- Basketball.

***

2nd tour of duty na ni Norman Black bilang head coach ng pambansang koponan sa SEA Games.

Katatalaga lang sa tinaguriang Mr 100% bilang pansamantalang HC ng Gilas. Magiging abala kasi si Tim Cone sa PBA sa panahong ito.

Noong 2011 sa Jakarta, Indonesia ay si Black din ang mentor ng Team Pilipinas na nagwagi ng ginto.

Posibleng walang player mula sa regular na Gilas ang mapabilang dito. Malamang mixture ng ilang taga- PBA, UAAP at NCAA.

Pwede rin ma-reinforce ng mga naturalized na sina Justine Brownlee at Ange Kouame.

Itinuturing ng SBP na mas mahina ang mga kalaban sa ASEAN region kay sa buong Asia.

***

Ayon kay Luka Doncic ay nais niyang sa Lakers magretiro si LeBron James. Gusto raw niya matagal pa sila magkasama sa Los Angeles ni LBJ. Hanggang ngayon season na lang kontrata na lang kontrata ni King James samantalang ang Slovenian ay inaasahang pipirma ng max extension sa purple and gold team.

Inilabas ni Luka ang pahayag sa gitna ng patuloy na ugong sa posibleng ma-trade si James..Kesyo si Doncic na bagong face at hindi na ang ama ni Bronny.

Abangan ang susunod na kabanata.