Advertisers

Advertisers

Panawagan ni VM Chi Atienza sa UdM graduates, “maniwala kayo sa inyong sarili”

0 112

Advertisers

HINAMON ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang lahat ng mga nagsilagtapos na yakapin ang kanilang potensyal at ituon ang kanilang buhay sa hangaring mas higit sa kanilang buhay.

Sa kanyang inspiring address sa nga nagsioagtapos sa Universidad de Manila (UDM) sa ika-27 taong Commencement Exercises nitong Martes, July 29, ibinahagi ni Atienza ang kanyang paglalakbay bilang working student, actress at entrepreneur na parehong dinanas ang tagumpay at kabiguan, sabay sa panghikayat niya sa mga nagsioagtapos na yakapin ang buhay na hindi nangangahulugan bilang personal na tagumpay,kundi isang selfless service at dedikasyon sa mas mataas na panawagan.

Kasama niya sa pangunguna sa seremonya ay ang UdM President Dr. Felma Carlos-Tria.

“The secret to life really is to surrender your decisions, to surrender your ambition, and to give your life to the Lord and for the betterment of those around you. And if you follow that path, I can assure you 101% you will make it in life,” saad ng bise alkalde.

Ayon kay Tria, ang inspiring message ni Atienza ay nagsisilbing pag-asa at gabay sa kanila para sa sarili nilang potensyal at tiwalang for them to trust in their own pagharap sa mga hamon sa hinaharap.

Sinabi ni Atienza na ang mga hamon at balakid sa mga tatahaking landas ng mga graduates ay hindi lamang basta mga sagabal kundi mahalaga sa personal na pag-unlad at kahandaan.

“Looking back at my life, I know if the Lord did not put me in the paths where he led me, I would not be ready to face you today and to tell you na kung kaya ko, mas kaya niyo rin,” Atienza shared.

Binigyang diin niya ang kaisipan na: “believing in yourself even when uncertainty and fear are present,” idinagdag pa niya, “mahalagang malaman n’yong lahat na may saysay ang buhay ninyo—you are meant to make a difference.” (ANDI GARCIA)