Advertisers
MULING katawanin ng Meralco Bolts ang PBA sa 2025-2026 East Asia Super League (EASL), pangatlong sunod na ang prangkisa ay maglaro sa regional club tournament.
Unang pumasok ang Meralco sa EASL noong 2023 kasama ang isa pang PBA bet na TNT. Sa edition ang Bolts ay nakapagtala lang ng isang panalo na may limang talo para yumuko sa Final Four run.
Ang club ay bumalik nakaraang taon at komulekta ng dalawang panalo laban sa Macau Black Bears at Busan KCC Egis, pero dumanas ng 3 straight defeats,kabilang ang nakakadurog ng puso na double overtime loss sa New Taipei Kings, sa sumunod na laro at doon nagtapos ang kanilang kampanya.
Dahil sa paglahok ng Meralco kumpleto na ang EASL 12-team cast.
Ang Bolts ay nahanay sa Group B kasama ang Black Bears pati ang huling edition ng Final Four teams na Taoyuan Pauian Pilots at Ryukyu Golden Kings na ang EASL ngayon ay umabot sa 12 teams mula 10 sa nakaraang edition.
Group A ay binobuo ng of Hong Kong Eastern, Seoul SK Knights, Taipei Fubon Braves, at Utsonomiya Brex habang ang Group C ay Alvark Tokyo, Changwon LG Sakers, New Taipei Kings, at Ulaanbaatar Xac Broncos.
EASL ay magsisimula sa Oktobre 8 at ipakilala ng liga ang bagong format na ang top two teams sa bawat grupo ay aabante sa Round of 6.