Advertisers
DINISPATSA ng Lady Bulldogs ang University of the Philippines 25-21, 20-25, 25-20, 25-17, upang mangibabaw sa 2025 Shakey’s Super League (SSL) National Invitationals Davao Leg, Linggo sa University of Southeastern Philippines Gym sa Davao City.
Rookie Sam Cantanda ang tinanghal na Best Player of the game ng liga, kasangga ang veterans Arah Panique at skipper Vange Alinsug pinamunuan ang opensa ng Lady Bulldogs para maulit ang titulo sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.
Nagpasabog si Panique ng 25 points off 21 attacks,two aces at two kill blocks habang si Cantada,ang Shakey’s Girls’ Volleyball Invitationals Most Valuable Player,nagdagdag ng 16 points tampok ang 11 kills at five service winners.
Alinsug nagdagdag ng 13 points para sa lady Bulldogs,habang si Lams Lamina nagtala ng 23 excellent sets para sa NU.
Ang Fighting Maroons ay nagkasya sa second place matapos isarado ang kanilang kampanya sa 2-1 win-loss record.
Casiey Dongallo ang nag-iisang UP player na umiskor ng double figures na 20 points, Kianne Olango umiskor ng nine habang si Nina Ytang at Louise Bansil nag-ambag ng tig-7 puntos
Ang aksyon sa three-leg kumpetisyon ay ipagpatuloy sa Agosto 22 to 24 sa Cebu sa University of San Carlos.
Masusubukan ng Ateneo de Manila University at Adamson University ang tapang ng host school USC at University of Southern Philippines Foundation.