Advertisers

Advertisers

SAAN NA NAPUNTA ANG P10.2-B UTANG NG MAYNILA, SINO ANG MGA PERSONALIDAD NA NASA LIKOD NITO?

0 15

Advertisers

Ito ang masidhing tanong ng mga MANILENYO hinggil sa P10.2-B utang ng MAYNILA na hanggang sa ngayon ay wala pa ring malinaw na paliwanag kung saan ito napunta.

Sino rin kaya ang mga personalidad na nasa likod nitong mahikang ito?

Wala anilang iniwan sa abang lungsod ng Maynila ang mga ito kundi problema at aalahanin.

Simot at bangkarote ang kaban ng lungsod dahil nga sa kabi-kabilang utang kung kani-kaninong kompanya particular na sa waste management.

Dukyot na nga, namaho pa ng husto ang buong Maynila dahil sa sandamakmak na basurang di na kinolekta ng waste management dahil sa hindi na sila naba-bayaran ng city hall.

Ang monthly allowance ng mga senior citizen at PWD na dapat ay naibigay na noong Hunyo ay wala pa rin hanggang ngayon.

Kulang sa P1-B ang pondong nakalaan para sa ating mga senior citizen at PWD na nawala na lamang parang bula gayong hindi naman ito naibibigay pa, ANYARI?

Kuwestiyonable rin ang pondo ng health department na siyang pinakamalaki na umabot sa P2-B.

Mahiwaga talaga ang buhay ng tao, mantakin niyong sa laki ng pondo ay walang laman na gamot at medical equipment ang mga health center at sinarado pa ang ilan.

Wala na ring mga pasyente ang napupunta dahil sa ginawa pa yatang by appointment at online ang konsultasyon, SUSMARYOSEP!!!

Ano nangyari sa pondo ng infrastructure gayong bina-baha pa rin tayo hanggang ngayon.

SAAN napunta ang monthly allowance ng ating mga estudyante at ng Manila Police District(MPD) gayong may dapat naman itong pondong nakadeklara tsk… tsk… tsk…

Ang mga problemang ito ay gina-gawaan naman ng paraan ng ating nagba-balik na Alkalde na si Yor-Me Isko Domagoso.

Maatraso man daw, sini-siguro naman ni Yor-Me na mata-tanggap pa rin ng mga senior at PWD ang kanilang monthly allowance sa Septiyembre.

Ganon din ang mga allowance ng ating kapulisan at mga estudyante na hindi daw dapat magalala.

Madiing sinabi ni Yor-Me na walang kina-kailangang pangutang at panghingi ko ito bagamat di ko ito atraso he he he

Lahat naman ng paraan ay ginagawa ng administrasyon ni Yor-Me upang makakabangon muli ang Maynila sa pagkakagumon.

Iyan daw kasi ang legacy na iniwan ng lumipas na administrasyon na siya ngayon ang sumasalo.

Sa puntong ito ay walang ibang hinihiling ang mga Manilenyo kundi panagutin ang mga taong ito sa ginawa nilang mahika at hokus pokus.

Sampalataya sila na gagawaran ito ng aksiyon ni Yor-Me sa lalong madaling panahon. Need talagang panagutin ang mga ito sa laki ng baon nilang dinala WOW P10.2-B.

Huwag naman daw sanang maging ” THE PAST IS DEAD AND GONE” na basta na lamang ibabaon sa limot.

Dapat ay “LET GUNS BE BY GUNS” di po ba?