Advertisers

Advertisers

BILIS KILOS: APAT NA MOST WANTED NASAKOTE SA ISANG ARAW LAMANG!

0 53

Advertisers

Sa pamumuno ni PMAJ Kevin Bautista, nahuli ng mga operatiba ng DPIOU si alyas PJ. Siya ay timaguriang isa sa mga most wanted person sa Lungsod ng Maynila.

Isinagawa ang operasyon sa Rizal at Cavite at ito’y naging matagumpay sapagka’t sa loob lamang ng isang araw ay nahuli na ang mga suspek. Unang nahuli si alyas PJ na isang taxi driver na tubong Samar, Leyte at residente sa Montalban, Rizal.



14 na taong nagtago sa batas si alyas PJ at dahil sa intel-driven operation ng MPD DPIOU ay agad itong nahuli na nagpapakita lamang ng husay ng pamunuan nito.

Sa isa pang hiwalay na operasyon ay nahuli rin ng parehong unit (DPIOU) na kasama rin sa most wanted ng Maynila.



Isang taon nagtago si alyas JV, ngunit ito’y nahuli rin sa Antipolo City. Bukod pa rito ay nadakip din nila ang isa pa sa mga most wanted person na si alyas Ver sa bayan naman ng Montalban, Rizal. Siya ay nahuli dahil sa paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act. Siya ay 11 na taon na nagtago sa galamay ng batas.

Nagwakas din ang 18 na taon na paghahanap kay alyas Enan na may kasong robbery.



Ang apat ay kasalukuyang naka detain sa MPD HQ sa Ermita, Maynila.

Ang mga operasyong ito ay dahil sa ipinatutupad na Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations na ipinagutos ni  MPD District Director PBGEN Abad bilang isang inisyatibo na nagpapakita ng pakikiisa ng MPD sa programa ng Punong Lungsod ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso ukol sa Peace and Order ng Lungsod.