Advertisers

Advertisers

Intel officer ng PNP-HPG hinoldap at binaril sa Makati

0 67

Advertisers

Tukoy na ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang pagkakakilanlan ng mga naghold-up at bumaril sa isang Intelligence officer ng HPG sa Makati City.

Sa kasalukuyan, nasa stable condition na sa isang ospital ang biktima na may ranggong lieutenant, na nagtamo ng 9 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Lt. Nadame Malang , spokesperson ng PNP-HPG, “sa ngayon hindi pa natin mabigay pero lahat ‘yan meron na tayong pagkakakilanlan nitong 2 suspects natin. Yung backtracking para sa criminal history nitong 2 suspects ongoing parin and we leave it as Makati CPS as the lead unit para sa investigation para dito sa case na ito.”

Aniya, nasa line of duty noong araw na ‘yan ang biktima na isang case officer or siya ang supervisor nung trabaho nila nung araw na iyon at nagpapa-carwash ng kanyang sasakyan kasama ang anak na babae bago kitain ang kanyang confidential agent.

“Ito ay nangyari sa corner street ng Edison at Paradise street sa Barangay san Isidro, Makati City at ‘yun nga ang kanyang sadya para magpa-carwash muna ng kanyang sasakyan,” saad ni Malang.

Sinabi ni Malang na sa impormasyon nakuha nila, may suot na necklace ang biktima. “So ‘yun ang isa sa nakikita ng ating mga imbestigador ng Makati CPS na naging dahilan bakit din talaga sinunggaban at bakit pilit na kinukuha ‘yung alahas nito at kung mapapansin din sa video may pagtangka talagang lumaban ‘yung ating tropa pero dahil 2 ‘yung suspek na nakita natin sa video or gun shooter hindi ‘yun nagtagumpay.”

Nakuha ng mga suspek ang alahas, service firearms, cellphone at pitaka ng biktima bago tuluyang tumakas sakay gamit ang isang motorsiklo.

Narekober ng mga otoridad ang 14 basyo ng bala ng 9mm pistol sa pinagyarihan ng insidente. (Mark Obleada)