Advertisers

Advertisers

Kinita sa ‘charity boxing match’ mapupunta sa Red Cross, DSWD – Torre

0 18

Advertisers

Ibibigay ang bahagi ng kinita ng July 28 ‘charity boxing match’ na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum sa Philippine Red Cross at Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinabi ni Philippine National Police chief General Nicolas Torre III nitong Lunes, Agosto 4.

“Nakapagbigay na po tayo ng P5 million sa Philippine Red Cross,” ani Torre.

“Ang natitira pang mga pera, ang DSWD ay iko-convert na lang sa bigas. So bibili kami ng limang tonelada, that would be I think 1,000 sacks ng bigas dahil para mas mabilis daw ang accounting process,” dagdag pa niya.



Ani Torre, matapos ang boxing event ay nagawa nilang makapagbigay ng tulong sa 1,000 katao sa Tondo, Manila.

Ang nalalabing mga kinita sa laban ay gagamitin para sa relief operations sa iba pang lugar.



Ayon kay Torre, mahigit P16 milyon ang nalikom sa charity boxing event na inorganisa para matulungan ang mga biktima ng Southwest Monsoon o Habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong.

Matatandaan na idineklarang panalo si Torre sa laban kay acting Davao City mayor Sebastian “Baste” Duterte sa hindi pagsipot sa event.



Nag-ugat ang boxing match nang hamunin ni Duterte si Torre ng suntukan na kinasahan ng PNP Chief.

Kasunod nito ay humingi ng kondisyon si Duterte at sa naitakdang araw ng laban ay biglang lumipad patungong Singapore.