Advertisers

Advertisers

Reigning World Pool 9-Ball champion Carlo Biado wagi sa Florida Open

0 16

Advertisers

SINIMULAN ni reigning two-time world 9-ball champ Carlo Biado ang kanyang kampanya na panalo sa Florida Open sa Caribe Royale Resort sa Orlando Miyerkules sa Manila.

Ang Filipino cue artist ay inumpisahan ang kanyang kampanya sa 9-3 wagi laban sa Amerikano Sam Henderson sa round 1 of stage 1.

Pagkalipas ng isang oras, pinatalsik ni Biado ang Dutch Quinten Pongers, 9-4, sa round 2 para umabante sa winners qualification round 3.

Kakalabanin ni Biado ang kababayan Roland Garcia Huwebes ng umaga kung sino ang mananalo ay papasok sa last 64.

Garcia ay pasok sa winners qualification sa nakakagigil na 9-8 hill-hill win kontra Payne Mcbride sa round 2.

Sinumulan niya ang kanyang kampanya sa 9-0 tagumpay laban sa American Daniel Sanchez.

Iba pang Filipino bet Johann Chua ang nakapasok sa winners qualification matapos umiskor ng dalawang panalo sa simula ng kanilang kampanya.

Chua kinalsuhan ang American Rick Miller, 9-0, at dinomina si Kristian Dimitrov, 9-2, sa tournament na may alok na $40,000 o mahigit P2.2 million para sa champion.

Makakaharap ni Chua ang Norwegian Emil Gangflot Huwebes rin ng umaga sa Manila.

Ang iba pang Pinoy pool players na nakarating sa winners qualification ay sina Patric Gonzales, Jeffrey Roda, Bernie Regalario, Marvin Asis, at Michael Baoanan.

Gonzales ay ikinasa laban sa Vietnamese Duong Quoc Hoang; Roda vs Greek Dimitris Loukatos, Regalario kontra Canadian John Morra, at Baoanan laban sa Japanese Naoyuki Oi.