Advertisers

Advertisers

MAHIYA NGA NAMAN KAYO

0 5

Advertisers

MARAMING mambabatas ang nagpalakpakan nang bumanat si Pangulong Bong Bong Marcos sa kanyang State of the Nation Address na ang dahilan ng patuloy na pagbaha ay korupsiyon.

Standing ovation pa nga at naputol sumandali ang pag-uulat ni PBBM. Parang mga totoo, sabi ng aking barberong si Berting. Bakit naman? Ang tanong ko.

Ang sabi ni Berting Barbero, pinatutungkulan ni PBBM nang sabihin nito na “MAHIYA NAMAN KAYO”, ay mismong mga mambabatas.

“Ha! Ang aking pagtataka, at nagtanong ako muli bakit niya iyon nasabi.

“Sila mga ‘tonggressman’ at ‘senatong’ ang mga komisyoner sa mga floodway projects boss, di mo pa ba alam yan. Lahat ng construction projects ng pamahalaan sila ang may pinaka-malaking kinikita. Bakit ka mo? Sila ang kumakausap sa kontratista na gagawa sa project, gagapangin nila na sa kontratista nilang kausap mapupunta o’ maiaaward ang project,” paliwanag ni Berting Barbero.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

“Diyan pa lang, sigurado na ang kita ni tonggressman o’ senatong. Bakit ka mo na naman. Kasi hihingi na sila ng advance sa contractor. Di magkano, ang usapan diyan, porsiyento. Halimbawa, P100 milyon halaga ng floodway projects, hihingi ang tonggressman o senatong ng 30 porsiyento, P30 milyon yan. Walang magagawa ang contractor, bibigay ito, dahil kung hindi, sa iba mapupunta ang proyekto,” paliwanag ni Berting Barbero.

Wala na nga raw hiya-hiya ngayon, ang ating mga tongressman o senatong, sila ang nagdidikta ilan porsiyento ang kailangan mapunta sa kanila.

“Kaya ganun na lang ang paki-usap ni PBBM sa ating mga tongressman at senatong. MAHIYA NAMAN KAYO! Dahil alam ni PBBM, nagbabago di ang panahon, kung di ang porsiyento na hinihingi ng mga mambabatas. Yun noong 30 percent, ngayon ay 70 percent na! KAYA LINTEK ANG PAGBAHA DAHIL SA MGA WALANGHIYANG MABABATAS. Ikaw ba boss, may kaibigan ka sa kanila?”, paliwanag at pagtatanong ni Berting Barbero sa akin.

Salamat at tapos na niya akong magupitan bago ko siya nasagot.” WALA, WALA AKONG KAIBIGANG MAGNANAKAW” ang sagot ko.