Advertisers
Sagot ng PBA sa mga free agent at mga draftee na iiwan ang liga ay tatlong taong ban. Komo hindi kayang sabayan ng mga koponan nila ang mga alok sa Japan, Korea at Taiwan ay ito lang ang naisip nilang paraan upang mahinto ang exodus ng mga lokal na manlalaro papunta abroad.
May balitang under review pa ito ng Boatd of Governors. Matindi nga naman ang 3-year ban. Parang ayaw na nila pabalikin ang mga player. . Kahit ibaba pa ito sa dalawanng taon ay mabigat pa rin. Mag-iisip talaga ang isang basketbolista na maging OFW kahit malaki ang kita.
Hindi bababa sa triple ang sinasabing suweldo ng mga Pinoy sa Tokyo, Seoul at Taipei.
Kailangan din kasing protektahan ng PBA ang sarili.
***
Isa sa mga prayoridad ni Mayor Leni Robredo ay ang sports development lalo sa grassroots level.
Balak niyang gamitin ang special education fund para sa layuning ito.
Marami tayong alkalde na hindi alam na pwede ito gamitin sa proyekto para dito.
Ayon sa isang matagal ng naninirahan sa siyudad ay asikaso naman ito sa panahon ni Jesse Robredo at sa sumunod na punong-lungsod. Nguni’t napabayaan ito sa pinalitan ni LGR.
“ Noon pwede mag-jogging at mag-ehersisyo sa Naga City Sports Complex, “ wika ni Mang Kardo sa atin.
“Pero ngayon hindi na, “ dugtong niya.
Plano ng unang babae na gatpuno ng lungsod ay makipag-partner sa Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee; sa iba’t ibang NSA. Pati ang pribadong sektor ay hihingan din niya ng tulong.
Ang ina nina Aika, Trisha at Jillian ang tunay na sports enthusiast at supporter ng iba’t ibang game. Paborito niyang laruin ang table tennis at mahilig manood ng basketball. Lahat ng mga anak niya ay mga swimmer at noong mga maliliit pa ay siya ang kasakasama sa mga ensayo at mga paligsahan. Si Doc Trish ngayon ay sumasali pa sa mga marathon.
***
Luka-Jokic na pares o Luka- Giannis na tandem sa LA Lakers sa 2027?
Halos sabay magtatapos ang mga kintrata nina Giannis Antetokounmpo sa Bucks at ni Nikola Jokic sa Nuggets. Parehong player option para sa 2027-28 ang sa dalawang higante kaya may posibleng piliin nilang lumipat sa purple at gold.
Batid natin na big city ang Los Angeles at kilala sila sa pag-alok ng mga mega deal sa mga superstar. Tamang-tama rin na magretiro na si LeBron James sa loob ng dalawang taon kaya may malaki silang cap space.