Advertisers

Advertisers

CIDG agent, traffic enforcer patay sa engkuentro

0 34

Advertisers

Patay ang isang agent ng Criminal Investigation and Detection Group at isang civilian traffic enforcer sa engkwentro sa Barangay Santa Cruz sa San Jose sa probinsya ng Dinagat Islands sa Region 13 nitong Huwebes ng madaling araw, August 7, 2025.



Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolman Ferry Sida Jaso at Anjun Casador, traffic enforcer ng Land Transportation Office, casual employee ng naturang ahensya.

Iniulat nitong Biyernes ng mga opisyal ng Dinagat Islands Police Provincial Office at ng CIDG Dinagat Field Office sa probinsya na minamanmanan lang sana ni Patrolman Sida Jaso, kasama ang isang pang pulis, ang traffic enforcer na si Casador na biglang bumunot ng .45 caliber pistol at agad siyang binaril sa ulo.

Ayon sa mga lokal na kinauukulan, naatasan si Laso at Estroso ng kanilang mga opisyal na i-surveillance si Casador dahil sa illegal possession of firearms at pagkakasangkot sa mga illegal na gawain.

Ayon ng mga opisyal ng Dinagat provincial police office at ng mga local executives sa San Jose, nahalata ni Casador ang pagmamanman sa kanya ni Jaso kaya agad niya itong binaril sa ulo na nagsanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Dinampot pa ni Casador ng Taurus 9 millimeter pistol ni Jaso at aktong tatakas na sana nguni’t agad namang siyang nabaril ni Estroso na nagsanhi din ng kanyang agarang pagkamatay.

Napatay din si Casador ng isa pang CIDG agent sa naturang insidente.