Advertisers
TINAPOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang limang araw na state visit sa India dala ang $446 milyon (humigit-kumulang P26 bilyon) na direct investment pledges o tiyak na pamumuhunan para sa Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, inaasahan pa ang mas maraming kasunduan na maaaring umabot sa $5.7 bilyon.
Tinawag ni PBBM ang kanyang unang pagbisita sa India bilang isang “bagong simula” para sa relasyon ng dalawang bansa, matapos makipagpulong kina Prime Minister Narendra Modi at Pre-sident Droupadi Murmu.
Sa pagbisitang ito, nilagdaan ang ilang kasunduan sa larangan ng depensa, maritime cooperation, agrikultura, fintech, at cultural exchange.
Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtatanggol sa soberenya ng Pilipinas at pinuri ang India bilang responsableng major power na tumatalima aniya sa mga desisyon ng international tribunal sa mga usaping pandagat.
Bukod sa mga opisyal na pulong, nakipagkita rin si Pangulong Marcos sa mga negosyante sa India upang hikayatin silang mamuhunan sa bansa na aniya ay may bata, bihasa, at masipag na workforce at magandang lokasyon sa Indo-Pacific. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)