Advertisers

Advertisers

Voter registration para sa 2025 BSKE, may mahigit 1.4M registrants

0 3

Advertisers

Iniulat ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia nitong Biyernes na pumalo na sa 1.4 milyon ang mga registrants na naitala nila sa isinasagawang voter registration para sa December 1, 2025Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon sa datos na inilabas ng Comelec, nabatid na hanggang Agosto 7, Huwebes, nakapagtala na sila ng kabuuang 1,452,060 indibidwal na nagparehistro upang makaboto sa nalalapit na halalan. Ang Region IV-A (Calabarzon) ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng registrations na nasa 184,683; kasunod ang Region III (Central Luzon) na may 154,551; Region V (Bicol) na may 114,051; at National Capital Region (NCR) na may 111,979.

Ang Cordillera Administrative Region (CAR) naman ang nakapagtala ng pinakamababang bilang ng registrants na nasa 26,945 lamang.

Ani Garcia, ang Special Registration Anywhere Program (SRAP) sites naman sa Metro Manila ay mayroong naitalang 10,418 voter applications.

Aniya, ito na ang pinakamatagumpay na voter registration na naitala sa kasaysayan ng Comelec at halalan matapos na makapagtala ng malaking bilang ng registrations sa napakaikling panahon lamang.

Ang 10-araw na 2025 BSKE ay sinimulan noong Agosto 1 at magtatapos sa Agosto 10.

Sinabi ng Comelec na target nitong makapagtala ng isang milyong botante para sa 2025 BSKE ngunit malaunan ay itinaas ito sa 1.5 milyon matapos na kaagad na maabot ang naturang target, sa loob lamang ng limang araw. (JERRY S. TAN)