Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
ANG mga newcomer na sina Jam Leviste, Champ Ryan, at Mia Japson ay mga talent ni Audie See na may-K sa mundo ng showbiz.
Si Jam ay 14 years old, grade 8 sa Stella Maris Academy of Malolos, isa siyang singer at ang kanyang unang single ay ‘Awit Ng Puso’ ni Vehnee Saturno. Ang second single naman niya titled ‘Nawawala Sa Sarili’ ay hinahanda na.
Idol ni Jam sina Sarah Geronimo, KZ Tandingan, at Janine Berdin at wish niyang maka-jamming sila balang araw.
Pahayag ni Jam, “Bata pa lang po ako ay hilig ko na ang kumanta. Around six years old po ako noon, noong nine na po ako ay doon na ako kumakanta-kanta talaga. Bandang 11 or 12 ako nagsimulang lumaban sa schools.”
Supportive ang parents niya sa kanyang singing career, kaya very thankful naman si Jam. Promise naman niya sa kanyang mga magulang na hindi niya pababayaan ang kanyang studies. Dream ni Jam na maging isang pilot, someday.
Ang 13 years old namang si Champ ay focus sa pag-abot sa mga pangarap niya. Guwapings ang bagets, na-discover at sumali siya sa workshop ng Talents Academy ni direk Jun Miguel.
Siya ay isang half-Pinoy and half-Israeli at Grade 8 student sa Arellano University. Ang hobbies niya ay maglaro ng mobile games at basketball.
Bukod sa may ibubuga sa sayawan, si Champ ay isa ring model at sumabak na sa teatro sa pamamagitan ng play na ‘Noli Me Tangere’.
Gusto ba niyang muling sumabak sa teatro? “Kung papalarin po ulit, gusto ko pong bumalik at gumawa ulit ng project sa theater,” matipid na wika niya.
Sakaling mabigyan naman ng chance sa TV o movies, sino ang wish niyang makatrabaho?
Aniya, “Gusto ko pong makatrabaho sa TV or movie sina Coco Martin at Alden Richards. Kasi po idol ko silang dalawa.”
Kahit anong genre raw siya malinya, okay lang kay Champ. Esplika ng bagets, “Lahat naman po ay gusto kong gawin o subukan, para po sanay po ako sa lahat nang matotoka sa aking project, if ever po. Kasi po pangit naman po siguro kung sanay po ako sa isang genre, tapos sa iba ay hindi po.”
Ang isa pa sa talents ni Audie ay si Mia. Ang talented na bagets na ito ay may bagong single na pinamagatang ‘April’ at siya mismo ang nag-compose ng nasabing kanta. Ito ay available na sa Youtube at Spotify.
Wika ng 15 year old na singer, “Ang kanta po ay about sa feeling of being with my friend, when I was with him it felt like a breeze of fresh air. I composed the lyrics while the arrangers were from Mixlabs.
“It is currently my second single! I think its been a year since my debut ‘Pintig’,” kuwento pa ni Mia.
Pang ilang composition na niya ito? Aniya, “Marami na rin po akong na-compose, pero hindi ko po alam yung bilang talaga, hahaha! Sana nga po maayos at mailabas ko na po ang iba kong compositions, pero baka po hindi pa sa ngayon.”
Ayon pa kay Mia, rati na siyang nagsusulat ng songs. “Opo, rati nagfi-freestyle lang po ako sa pagsusulat ng songs, noong 12 o 13 po ako.”
Bakit niya naisipang magsulat ng songs? Inspiration niya ba rito sina Miley Cyrus o Taylor Swift? “Kapag nakikinig po ako sa music, nakikinig po talaga ako sa lyrics at kung ano ang pinaparamdam ng musician sa instrumentong ginagamit niya. Lahat ng artist kapag gumagawa ng musika ay intentional, at may kahulugan.
“Ang mga inspirasyon ko po talaga ay sina Bruno Mars, Frank Sinatra, Ella Fitzgerald, at iba pa at ang mga pelikulang gaya ng La La Land, Tick Tick Boom, at Into The Woods.”
Si Mia ay isang senior high Grade 11 student sa National University (NU). Bukod sa pagkanta, kabilang sa kanyang talento ang pagiging composer, dancer, at painter.
Siya ay nag-workshop sa Repertory Philippines, GForce Dance Center, at Voices Studio Company. Siya ay may sariling YouTube channel din, ang Mia Japson TV.