Advertisers
Noong Abril 28, 2023 ay matatandaang nagkasunog sa Pritil Public Market sa Tundo, Maynila. Daan-daang mga vendors ang nawalan ng trabaho dahil sa trahedyang ito.
Noong mga panahong iyon, ang administrasyon ng dating Alkalde na si Honey Lacuna-Pangan ay nangakong ipagagawa muli at ibabalik sa dati ang Pritil Market. Ngunit, nagdaan ang dalawang taon ay tila bang napako ang mga pangako. Nananatili pa rin na “under construction” o hindi pa tapos ang pagpapagawa ng Pritil Market at ang mga vendors ay nasa lansangan pa rin. Pero kahit pa ganoon, naka lista pa rin sa mga opisyal na records ng pamahalaang lungsod na “operational” ang Pritil Market at tila ba ay inaasahan pa rin ng lungsod na pareho pa rin ang kinikita ng mga ito tulad noong mga panahong hindi pa nasusunog ang naturang market.
Base sa konsultasyon sa mga vendors kasama ang mabuting konsehal ng Unang Distrito ng Maynila na si Konsehal Joaquin Domagoso ay nalaman na ang iba pa pala sa mga vendors ay pinagbabayad pa ng mga penalties dahil sa “non-payment” kahit pa hindi na katulad ng dati ang kinikita ng mga vendors.
Sa tingin ni Konsehal Joaquin Domagoso, ito’y mali dahil alam niyang dahil sa trahedyang ito ay hindi makatuwirang ipagpatuloy ang paniningil na para bang walang nangyaring sunog. Naniniwala siya na sa pag-gogobyerno, dapat may puso.
Dahil rito, itinutulak ng butihing konsehal ang ordinansang naglalayong isantabi ang mga multang ipinataw sa mga nagtitinda sa Pritil Market.
Ang pagtutulak niya sa ordinansang ito ay patunay lamang na siya ay totoo sa kaniyang isinisigaw noong siya pa lamang ay nangangampanya.
“Tungo sa Isang Progresibong Tundo”, hindi na lamang isang kataga bagkus isa nang aksyon na ginagawa ngayon ni Konsehal Joaquin Domagoso.