Advertisers
May missing affidavit sa makontrobersyal na pinag-uusapan missing sabungeros’? Ano kaya ang ilalaman ng sinumpaang salasay?
Heto pa, sa pulong balitaan sa Quezon City, ipinalulutang ang dokumento sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Yes ipinalulutang ito ng abogado ng Isang pulis na isinasangkot sa kaso ng missing sabungeros’.
Hayan ha, hindi ako ang nagpapalabas sa missing affidavit kung hindi isang abogado.
Kasabay nito, nananawagan kay PNP Chief, Gen. Nicolas Torre III ang kampo ng pulis na isinasangkot na atasan ang CIDG na ilabas ang isumpaang salaysay ng 12 testigo laban kay Julie London Patingonan.
Aba’y mayroon pala ganitong uri ng affidavit na kontra kay whistle blower Patingonan.
Naniniwala si Atty Bernard Vitriolo, na nararapat lang isama ang affidavit sa imbestigasyon Ng Department of Justice (DOJ) upang magiging kumpleto ang takbo ng imbestigasyon at maging malinaw ang isyu kaugnay sa mga nawawalang mananabong.
E sino naman si Atty. Vitriolo? Siya ang legal counsel ni PMSGT. Joey Encarnacion na sinasabing may-ari ng palaisdaan na pinagtatapunan ng mga bangkay ng mga sabungero na kung saan anang Abogado ay walang basehan batay sa mga ebidensiya mula sa barangay at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Diin pa ng Abogado, mahirap naman kung kalahati lang at isang panig lang ng istorya ang nalalaman ng korte sa kaso dahil mas lalong hindi makakamit ng mga pamilya ng missing sabungero ang tunay na hustisya.
Giit pa ni Vitriolo na mayroon naman nang imbestigasyon ang CIDG sa kaso pero lumalabas na hindi lahat ng nakalkal sa imbestigasyon ang isinama sa case folder na isinumite sa DOJ.
Ang hakbangin ng kampo ng pulis na ipinalalabas ang missing affidavit ayon kay Atty Vitriolo ay may malaking maitutulong sa buong imbestigasyon kung saan mag-aabsuwelto sa kanyang kliyente na si Encarnacion.
Naniniwala ang abogado na malaki ang posibilidad na mapapawalangsala din ang ibang akusado dahil makikita sa kabuuan ng affidavit na tanging mga Patidongan brothers lamang ang kumikilos.