Advertisers

Advertisers

Alex tinawag na bobo ni Bayani; Gary V tinaningan ng doktor na haggang 44 lang ang buhay, 61 na ngayon

0 25

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA bagong game show ni Toni Gonzaga na Ang Tanong, naging players dito ang mga komedyanateng sina Bayani Agbayani, Isko Salvador o Brod Pete at Eric Nicolas.

Bago nagsimula ang naturang episode ng Ang Tanong ay inalala muna ni Toni ang mga pinagsamahan nilang mga proyekto ni Bayani.

Sabi ng aktres at TV host, nakatrabaho niya si Bayani sa Home Sweetie Home ng ABS-CBN na mag-asawa ang role nila ni John Lloyd Cruz. Pero mas madalas daw makatrabaho ni Bayani ang nakababata niyang kapatid na si Alex.

Pagkarinig nu’n, sabi ni Bayani, “Oo. Saka ang kapatid mo ibang-iba sa ‘yo. Napakatalino mo. ‘Yung kapatid mo saksakan ng bobo.

Ayon pa kay Bayani na natatawa, sobrang ingay daw ni Alex. Wala naman daw laman ang utak nito, puro lang daw satsat.

Kung makakarating kay Alex ang pagtawag sa kanya ni Bayani ng bobo, sigurado kaming hindi siya mao-offend. Close naman kasi sila ng komedyante kaya magagawa at kayang-kaya siyang biruin nito.

Matagal nang magkaibigan sina Alex at Bayani at madalas silang nagbabardagulan sa kanilang mga naging shows tulad na lang sa I Can See Your Voice, at Tropang LOL.

Pero knowing Alex, ‘pag nakarating sa kanya ang biro ni Bayani, sigurado na sasagutin niya ito ng pabiro rin. Ano naman kaya ang itatawag ni Alex kay Bayani?

***

NOONG August 6 ipinagdiwang ni Gary Valenciano ang kanyang 61st birthday kasabay ang 41st wedding anniversary nila ng asawang si Angeli Pangilinan.

Pinakasalan ng award-winning singer si Tita Angeli noong 20th birthday niya – August 6, 1984.

Sa pamamagitan ng social media, ibinandera ni tita Angeli ang kanyang birthday at anniversary message para sa tinaguriang Mr. Pure Energy ng music industry.

Ayon kay Tita Angeli, noong 1978 daw ay sinabi ng mga doktor na ang estimated lifespan ni Gary ay tatagal lamang ng hanggang 30 years dahil sa klase ng diabetes na tumama sa kanya.

”I have a testimony to share. When I married Gary, he turned 20 that day August 6. 1984. We had a civil wedding! Soon after, the doctor told me that his estimated life span was 30 years after date of diagnosis of his Type 1 insulin dependent juvenile diabetes ~ 1978.

“Meaning his estimated life span was till 2008. At age 44. And I said to myself that was still so far away in 1984!

“But that was when diabetes management was not advanced and through the years technology gave us real-time glucose monitoring gadgets that allowed him to check his sugar levels 3-4 times a day. Thus extending his life span,” pahayag ng misis ni Gary V.

Pagpapatuloy niya, “I also researched a lot through books I bought and encyclopedias (then when there was no Internet) !!! Today he can check his sugar levels every hour through a gadget attached to his arm plus we have what we call Glucagon like an Epi-pen for first aid!

“Meantime the internet has taught me a lot through the various medical platforms plus the added open source available apps like Chat GPT and GROK. Also, he tightened his daily diet and regularized his exercise.

“So now, his eyes, which are a window to the state of his health has always been glaucoma-free! Miraculously today the grade of his eyes even went down after 47 years of the disease,” aniya pa.

Kaya naman palaging abot-langit ang pasasalamat ni Tita Angeli sa bawat kaarawan ni Gary na aniya’y maituturing nilang tunay na himala.

“Every year of Gary’s life is a bonus from God! I want to praise and glorify Our Lord Jesus Christ ! We have three, no four children. Paolo and his wife Sam. Gab. Kiana and her husband Sandro. Plus a special foster son, Fili. And two grandchildren Leia and Luch!