Beautiful Queen Maffi Papin, Birthday Concert Mapapanood Sa The Grand Lounge Ng Newport World Resorts; Gwapong Singer Gabriel Umali Bagong Alaga Ni Boy Abunda
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
DOUBLE celebration ang magaganap this August 16 (Saturday) at 8 PM sa The Grand Lounge ng Newport World Resorts sa Paranaque.
Yes, birthday concert ito ng young beauty queen/actress/singer na si Maffi Papin at graduation celebration niya dahil nagtapos siya ng Law sa Philippine Christian University.
Magsisilbi rin itong birthday concert ni Maffi, kung saan marami siyang surprise guests. Ang pinakaaabangan siyempre ay ang Mommy ni Maffi na si Imelda Papin na PCSO Head Board of Director na very proud of her daughter’s achievements. Knowing Manay Imelda, parati siyang nakasuporta sa lahat ng mahahalagang event ng kanyang unica hija. Nariyan din siyempre lagi ang dalawang Titas ni Maffi na sina Aileen Papin at Gloria Papin. I’m sure, may surprise number din sila sa kanilang very Love na pamangkin. Tiyak na dudumugin ang event na ito at marami ang nagmamahal kay Maffi.
Well, tatahi-tahimik lang si Maffi pero she is multi-talented artist na mahusay na singer gaya ng kanyang Mommy Imelda and she’s a good actress too. Ibang klaseng performance ang ipinamalas ni Maffi sa “IMELDA PAPIN: THE UNTOLD STORY” kung saan gumanap siya bilang siya. Hindi malayong in the future ay magkakaroon ng acting nomination ang said pretty actress. Basta excited na rin ang lahat sa performance ni Maffi sa kanyang Birthday Concert. Surely, magaganda ang repertoire nito. Happiest Birthday and many happy returns of the day, to you Ms. Maffi Papin-Carrion.
***
MALAKI ang hawig kay Coco Martin ng bagong talent ng aking BIG ANGEL Kuya Boy Abunda, na si Gabriel Umali. At kapag inyong napakinggan ang boses ni Gabriel ay tiyak na pati kayo ay mapapa-wow rin. Isa sa mga video nito na ang aking napanood ay ang cover nito ng “Pure Imagination” ni Gene Wilder. Grabe ang lakas ng dating ni Gabriel, na songwriter din pala.
Yes, siya ang nagco-compose ng mga kanta niya. At release na ang single nito titled “SAJITA” na pwede nang ma-stream sa mga sikat na music digital platforms gaya ng Spotify at iTunes.
At ang bongga ng promo ni Gabriel at kumanta ito ng live ng pino-promote na Sajita sa Quiapo Market at pinanood talaga siya ng mga tindera at mamimili rito.
Well, marami nang napasikat sa kanyang Backroom Inc ni Kuya Boy like Ariel Rivera. Kaya di imposible na mapasikat din ng Asia’s King of Talk si Gabriel Umali. Kabilang ang gwapong singer sa roaster of talents ni Kuya Boy sa bagong Talent Management na BOY ABUNDA TALENT MANAGEMENT SERVICES.
By the way, successful ang show na ginawa ni Gabriel sa KARMA MUSIC HALL sa Quezon City last August 9, 2025.