Advertisers
NANG nakulong si Colonel Hansel Marantan noong 2013 kasama ang labindalawa pang pulis sa Atimonan dahil sa shootout sa Quezon, ayon sa kanya ay hindi lamang sila ang tila nakakulong.
“Kasi sa kulungan, hindi lang ikaw ang nakakulong. Nakakulong ang pamilya mo diyan, thirteen kami so thirteen families were put under incarceration for close to five years.
“Families…I refer to the wives and children who went to school, bullied at that, everyday, those were the pains sa “Sa Likod Ng Tsapa”.
“Maraming stories diyan. At lahat yan mga… I’m the commander, I have to shoulder their problems, not only financially but morally, spiritually.
“In jail, hindi lang legal fight. If you are in jail, there’s a spiritual battle, there’s a financial battle, emotional, mental, lahat ng battles nandiyan lahat.
“And you have to be tough as a leader. Like… well ‘When the going gets tough, the tough gets going’, sabi nga di ba?
“Hindi tayo puwedeng sumuko, walang panahon para sumuko. Kasi, sabi nga, ‘As long as it will not kill you, it will make you stronger’.”
At dahil mahal niya ang kanyang mga kasamahan na nakulong din, sinagot ni Colonel Marantan ang pangangailangang pinansiyal ng pamilya ng mga ito habang nasa piitan sila.
“Four and a half years, sagutin mo lahat yung kailangan ng thirteen families. Magkakasakit yan, hindi naman yan five years healthy yan.
“Magkakasakit, walang pang-tuition, fightings at home, dudahan sa mag-asawa, you have to ano e, your presence sa mga ganun e, kapit-bahay inaaway, binu-bully, ganun.
“Kaya nga properties ko, naibenta ko lahat yan, naisangla ko lahat, bullring, naibenta ko lahat yan. Para sagipin yung kailangan ng grupo, I had to do that.
“Maghigpit ng sinturon, so yung mga anak namin na nasa private schools, yung iba hindi nag-aaral, yung iba transfer to a cheaper school and not only your family, your immediate family also.
“Your mother and father, di ba, ang daming ano diyan e, ang daming maaapektuhan diyan. Yung… lalo na in my case, yung clan namin.”
At nito ngang June 2025 ay napawalang-sala sina Colonel Marantan sa ibinibintang sa kanila na rubout.
Marami pang detalye tungkol sa buhay ni Colonel Marantan na mapapanood sa docu-film na “Sa Likod Ng Tsapa: The Colonel Hansel Marantan Story” na sinulat, dinirehe at produced ni Ms. Editha “Ging” Caduaya sa pamamagitan ng kanyang Pop Movie House Newsline Philippine Corporation, a Davao-based news site.
Palabas na ang docu-film sa mga sinehan ngayon.
Gaganap dito bilang batang Col. Marantan si Lt. Col. Stefanio Adrenicus Rabino at may paggabay rin sa pagbuo ng docu-film si Col. Mario Mayames.