Advertisers

Advertisers

“KISS OMBUDSMAN SEAT GOODBYE”

0 44

Advertisers

Bakit parang trophy para kay Justice Secretary Crispin

“Boying” Remulla ang posisyon biglang Ombudsman?

Kahit pa nga awkward at lihis sa kagandahang- asal,pilit pa rin na pinangangalandakan at iginigiit ni Remulla na gusto niyang maging Ombudsman.

Kapal ng FACE talaga!

A bold and loud move na ang pangunahing kayon at intensyon ay ang ipamukha kay Marcos Jr. na sadyang naglalaway ang DOJ Secretary sa nasabing puwesto.

Sobrang kakapalan ng mukha at kagarapalan ito to the max na sa paningin ng mga nagmamasid na mga Pilipino partikular na ng mga kapwa opisyal nito sa gabinete ni Marcos Jr.

Hindi man lamang naantay ni Remulla na si BBM na mismo ang magkusang piliin o ikonsidera ito para sa inaasam na posisyon.

Kasakiman at kasuwapangan Ito sa kapangyarihan!

Kalihim na nga ng DOJ, gusto pa ring nakakuha ng dagdag na kapangyarihan.

Tila sadyang “spoiled” kay Bongbong Marco’s itong si Bondying este Boying pala.

Parang alam at sigurado ni Remulla na kapag sinabi nito kay Marcos ang kanyang gusto ay hindi matatanggihan ito ng inutil na Pangulo.

Ito kaya ay bahagi ng reward ni Remulla sa infamous”collective efforts” ng grupo nito at mga opisyal ng pamahalaan sa pagkidnap noong April 8,2025 kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungong The Hague, Netherlands?

Speaking of the said “state- led kidnapping” laban kay FPRRD na ginawang basehan ng isinampang kasong kriminal ni Senator Imee Marcos laban sa grupo ni Sec.Bondying este Boying pala,ito rin ang naging rason ng Judicial and Bar Council (JBC) na ideklarang disqualified si Remulla para sa posisyon ng Ombudsman dahil sa naka- pending nitong kaso.

Ito rin ang pananaw ng grupo ng mga abogado sa sapilitang paghingi ni Sec.Remulla ng posisyon kay Bongbong Marcos.

Naging vocal naman sa kanyang pagkondena si Atty Ferdie Topacio sa baralbal na aksyong ito ng Justice Secretary.na isang malinaw na pagkagahaman at pagkasakim sa kapangyarihan.

Labas at lagpas din umano ito sa standard ethics ng isang desente at mationg public servant.

Ayon pa kay Topacio,isang malaking red flag din ang pagiging trapo nitong si Remulla nang mahabang panahon.

Wala umanong pulitiko ang naitalaga biglang Ombudsman sa kasaysayan ng bansa.

Para na ring sinabi ni Topacio na bawal ang magnanakaw at tulisan sa Office of the Ombudsman;

Bawal din ba Atty.Topacio ang may sayad at maluwag ang turnilyo?

Integridad at malinis na pagkatao kasi ang pinag- usapan sa paghirang ng Ombudsman!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com