Advertisers

Advertisers

Centeno natumbok ang 2nd silver medal sa World Games

0 10

Advertisers

NATUMBOK ni Chezka Centeno ng Zamboanga City ang pangalawang silver medal sa World Games Miyerkules ng gabi matapos malasap ang 6-7 loss sa Chinese Yu Han sa women’s 10-ball final sa Civil Aviation Flight University ng China – Tianfu Campus Gymnasium sa Chengdu, China.



Nagrally si Centeno mula sa 0-3 deficit para umangat sa one rock para makuha ang panalo,pero ang crucial scratch sa safety para sa first ball ang nagbigay daan kay Han para mangibabaw sa deciding frame.

“I did not expect that mistake. But I’m still happy. This medal is for our country. I hope I still made you all proud,” Wika ni Centeno pagkatapos ng laban.



Nagwagi siya laban sa Spanish Mayte Ropero sa quarterfinals at Chinese Shasha Lui sa semis. Sa preliminaries, Tinalo ni Centeno ang American Savannah Easton bago yumuko kay Han sa kanyang second match.

Sa ngayon ang Pilipinas ay may tatlong medalya.Kaila Napolis nagwagi ng silver sa women’s 52kg ju-jitsu habang si Carlos Baylon Jr. nakakuha ng bronze sa men’s wushu sanda 56kg class.