Advertisers

Advertisers

Anne may lihim na galit kay Vice Ganda

0 14

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

SENTRO ngayon ng mga isyu ang Showtime host na si Vice Ganda.

Ito ay dahil sa ginawang pasaring ni Vice sa mga DDS at kay dating presidente Duterte.
In fairness, kung may mga bumabatikos ay meron din namang nagtatanggol sa sikat na TV host.

Pati mga followers ni Vice ay nabawasan.

So from 20M, naging 19M na lang ang followers ni Vice Ganda sa kanyang fanpage.

Maraming loyal sa mga Duterte ay nag-unfollow na sa kanya .

Kumbaga, hindi nagustuhan ng mga DDS yung jetski holiday joke sa kanyang concert kamakailan lang.

May mga ipinakita pang mga screenshot na bilang pagpapatunay na hindi na sila followers ni Vice Ganda.

Dagdag pa ang binanggit ng mga ito na pati raw mga produktong iniindorso ni Vice ay hindi na raw nila tatangkilikin, huh!

Kumbaga, iiwasan na raw ng mga ito na kumain sa McDonalds pati na rin ang pag-order sa Shopee ay ititigil na raw nila, huh!

Pero hindi raw naman dapat malungkot dahil my mga nagtatanggol pa rin naman kay Vice at naniniwala silang madaling malalampasan ni Vice ang isyung ito, huh!

***

MATAPANG naman ang komento ng dating sexy star na si Sabrina M sa Facebook account nito, huh!

“Makapagpatawa ka lang kahit may matapakan kang mga tao??? Its very wrong..pwede ka magpatawa ng wala kang lalaitin o matatapakan…from comedy bar to noontime show to concert…haist…VERY WRONG, “ lahad pa ni Sabrina..

Naloka naman si Anne Curtis sa kumalat na post sa social media na supposedly ay hindi siya favor sa ginawa ng kaibigan at kasamahan sa It’s Showtime na hanggang ngayon ay trending pa rin dahil sa kanilang concert ni Regine Velasquez na Super Divas sa Araneta Coliseum last weekend.

“Good morning guys! See you on showtime today!” umpisa ni Anne.

“And cguro naman by now alam nyo hindi galing sa akin ung post that’s floating around about my sisterette!!! Konting RESPETO naman po,” dagdag ng bida ng “Its okey for not being Okay.”

“Sometimes ‘yung joke mo vice hindi na talaga nakakatuwa, di mo talaga ramdam na nakakasakit kana ng tao, kahit yun man ang role mo mag control ka naman sa mga biro mo, alam mo ba na iilan din kami na may lihim na galit sayo? di ka nalang namin pinapatulan dahil lamang sa respeto! ang hilig mo magpahiya ng tao di mo nga alam na andami na contestant na badtrip sayo!,” sambit pa ni Anne, huh!