Advertisers

Advertisers

Toni At Mariel, Supportive Sa Chef Ayb’s Paragis Endorsement Nina Alex, Mommy Pinty At Daddy Bonoy; Vlog Ni Direk Chaps Manansala With Jobert Sucaldito Isa Sa Most Watched Sa Pinas At Abroad

0 33

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

ASIDE from Lipa City Vice Mayor Mikee Morada and showbiz couple Toni Gonzaga and Direk Paul Soriano, may ilan pang kaibigang artista si Alex Gonzaga at Toni na sinusuportahan ang ineendorso niya at ng kanilang loving parents Mommy Pinty and Daddy Bonoy na Chef Ayb’s Paragis.Ph

At isa na nga rito ay ang closest friend ni Toni na si Mariel Rodriguez na nag-join kay Toni sa live selling nila ng herbal tea and capsules ng Chef Ayb’s Paragis.

Patok ang dalawa at marami silang nahikayat na buyers. Well, sobrang tumaas ang sales ng nasabing products, mula nang i-endorse ito nina Alex, Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Hindi lang dito sa Pinas sikat ang Chef Ayb’s Paragis, maging sa abroad ay ang mga produkto nito ang binibili ng mga OFW nating mga kababayan. Sulit naman kasi at talagang maraming health benefits ang herbal tea and capsules ng Chef Ayb’s Paragis.

***

MATAGAL na sa showbiz si Direk Chaps Manansala na isa sa love na vlogger ng mga taga abroad at dito sa Pinas. Pano super sweet at karespe-respeto ang personalidad. Well, bago naging showbiz vlogger si Direk Chaps sa OOTD Vlog nila ng ka-tandem na si Jobert Sucaldito ay kilala sa mga dekalidad na stage play si Direk Chaps, at siya ang kasalukuyang General Manager ng Hiraya Theater Production.

Bukod sa pagiging digital creator ay isa ring matagumpay na negosyante si Direk Chaps na owner at CEO ng Celebrity Wellness Spa, Tea Chaps at ng Celebrity Drip.

Pero bakit hit na hit dito sa Pinas at abroad ang Oras, Opinyon, Talakayan at Diskusyon o OOTV Vlog nina Direk Chaps and Jobert? Well, ang sagot ay walang harang ang kanilang showbiz and entertainment Vlog. Yes, diretsahan at prangka kung magbigay sila ng kanilang opinyon. At kung very feisty itong si Jobert ay with a heart naman ang binibitawang reactions at opinyon ni Direk Chaps at napakahusay nitong maghimay ng isyu! Kumbaga, hindi sila nagsasabong, nagbibigayan sila. Saka updated ang dalawang ito at never magpapahuli sa mga hottest issue about our famous celebrities and politicians.

Isa pa sa masasabi namin dito kay Direk Chaps, I find him humble and very down to earth. That’s why he is very blessed na kayang mag-travel around the world. By the way, sina Direk Chaps at Jobert pala ang hosts ng Birthday Concert ni Malu Barry na “ONE & ONLY” na in just 5 days ay sold-out na agad ang tickets. Gaganapin ito sa August 20, Wed at 8:30 PM sa JANEALO BAY CAFE sa Roxas Blvd. Cor South Drive Manila at nasa tapat lang ito ng RIZAL PARK HOTEL.

Sigurado kami na mag-eenjoy ang lahat sa Birthday Show na ito ni Malu na decades ko nang kaibigan.