Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
HANGGANG ngayon ay may PBB mania pa rin na resulta ng matagumpay na Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition ng GMA 7 at ABS-CBN.
Isa sa mga housemates sa Bahay Ni Kuya na sumikat nang husto ay ang Sparkle female star na si AZ Martinez.
Kaya naman si AZ ang kinuha bilang bagong brand ambassador ng SCD beauty products mula sa kumpanyang pag-aari ni Gracee Angeles na CEO ng EEVOR Skin Care Depot.
Tungkol sa journey ni AZ bilang PBB housemate, tinanong namin siya kung ano ang isang moment sa kanyang PBB journey ang hindi niya makakalimutan.
“Yung never ko po talagang makakalimutan from sa journey ko sa loob ng Bahay Ni Kuya yung nanalo kami ni River [Joseph] sa Big Jump Challenge!
“Kasi iyon po yung pinakamahirap na challenge for me, for both of us kasi endurance yun, e.
“We were standing with blocks in between us for seven hours, umulan man or sobrang araw man, mainit nandun kami nakatayo and parang iyon yung time na gustung-gusto na talaga namin… we were really fighting for it kasi para iyon mapabilang sa Big 4, e.
“And pangarap po talaga namin ni River na makasali sa Big 4 kaya iyon yung something na hindi ko po talaga makakalimutan.
“Kasi once na-announce ni Kuya na ‘Congratulations parte na kayo ng Big 4’, sobrang Oh my God!
“Parang naano na yung puso ko gusto ko umiyak, umiyak umiyak. Iyon po.”
***
TUNGKOL din sa unforgettable moment niya sa Bahay Ni Kuya ang tanong namin sa former housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Vince Maristela.
“Ako para sa akin yung pinaka-memorable na mga… siguro yung stories nila, kasi isa yun sa mga bagay na na-inspire ako, sa mga stories nila.
“Alam mo yun, binigyan nila ako ng tiwala na mag-share sila sa akin at siguro dahil sa mga stories nila, mas napu-push ako to do better at siguro mas naiintindihan ko din talaga sila kung sino sila.
“Parang mas lumalalim dun yung friendship namin, hindi lang siguro friendship ha, yung family namin.
“At sa gusto ko kalimutan, parang wala naman akong gustong kalimutan, kasi lahat ng bagay na nangyari sa loob ng Bahay Ni Kuya, meant to be talaga at para sa akin, hindi na puwedeng palitan yun, e.
“Like, kailangan na lang mag-move on at gawin kung ano yung mga dapat gawin sa mga darating na opportunities, yun lang.”