Advertisers

Advertisers

Dustin panggulo sa WillCa

0 12

Advertisers

Ni Archie Liao

UMANDAR ang creative mill ng Star Cinema.

May teaser ito sa upcoming project nito.

Siyempre, dapat nga naman ay seize the opportunity while the iron is hot.

Eh, hot topic ngayon ang pagsasabong sa tambalang WilCa at DusBia, so might as well gawa na ng project.

Nakita marahil nila ang potensyal ng love triangle sa tatlong PBB housemates na sina Will Ashley, Bianca de Vera at Dustin Yu base sa naging reception ng audience sa kanilang patok na collab numbers sa PBB ColLove fancon.

Nahulaan din agad ng mga katkatera at sawsawera na may collab project na pagbibidahan ng tatlo with Bianca as the girl torn between two lovers.

Sa teaser kasi, na-highlight ang mga letrang W, D at B sa pangiliting giveaway plug na:

“When hearts collide. Desires clash. But love wins.”

Umani naman ang nasabing paandar ng samu’t saring reaksyon sa netizens.

Ito ang ilan sa mga komento ng mga nagmamarisol.

“infairness star cinema movie agad yung 3? grabe yung trust ahhh.”

“Wag sayangin ang opportunity, isama dito si Klang!”

“Dusbia na lang. Wag na isali si Will. He can do projects without them.”

“WillCa lang po yung order namin, no need na ng freebie”

“Parang mas bagay ka love triangle ng wilca si michael e”

“Mukhang valentine’s day offering ito. At mukhang gustong pagastusin nang malaki ang mga fans. “