Advertisers

Advertisers

Bea non-showbiz ang bagong dyowa

0 18

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

PINUPUNTIRYA ngayon ng mga bashers ang leader ng BINI na si Jhoanna. Diumano’y buntis ito ngayon.

Pero ayon sa dalaga ay wala itong katotohanan. At natatawa na lang daw siya at hindi naaapektuhan kapag nakakabasa at nakakarinig ng ganitong klase ng intriga sa kanya. Sanay na raw kasi siya.

“Bago po ‘yang isyu na ‘yan, meron po akong TikTok video na kumakain ako ng mangga. So ‘yung comment na ‘yun, ‘Ayan, naglilihi na siya.’ Diyos ko, lahat na lang!” ang paglilinaw ni Jhoanna sa guesting niya sa vlog ni Ogie Diaz.

Pagpapatuloy pa niya, “Tapos lumabas po ako kahapon kasama ‘yung mga pinsan ko, naka-loose akong damit. ‘Ayan, nag-loose siya ng damit kasi malaki na ‘yung tiyan niya.’ Parang hindi ba puwedeng busog lang?”

“Parang kung anu-ano na lang po talaga ‘yung masabi ng tao sa amin kahit hindi totoo. Saka bakit ako maaapektuhan kung alam kong hindi naman totoo,” aniya pa.

Ayon pa kay Jhoanna, apektado lang daw siya kapag nadadamay na sa mga tsismis at intriga ang kanyang pamilya.

“Pumasok po ako dito, ni-ready ko na ‘yung sarili ko. Darating ‘yan, ‘yang mga bash na ‘yan. Pero weakness ko po talaga ang family talaga.”

***

INAMIN ni Bea Binene sa interview sa kanya ni Dolly Ann Carvajal na may karelasyon na siya. Non-showbiz daw ang bago niyang boyfriend kaya mas nais niyang gawing private na lang ang kanyang lovelife.

“May mga bagay na if you really treasure something, someone is very special to you, and something is very important to you, you protect it from the unnecessary noise, di ba?” sabi ni Bea

Pagpapatuloy pa niya, I’ve been here (showbiz industry) for the longest time. And it doesn’t mean naman na porket wala sa social media eh, parang hindi na rin importante sa buhay mo.”

Ayon pa sa dalaga, isa sa pagkakamali niya sa usaping pag-ibig ay ang sobrang pagse-share sa publiko, “Parang you will put it out there na maging relevant was a mistake I did.

“Ang importante what’s going on between the two of you. What’s going on in your private circle and then ‘yun na ang importante,” aniya pa.

Sa tanong kung anu-ano ang mga natutunan niya sa kanyang past relationships, “Love is a decision. Hindi lang siya parang emotion na kilig-kilig, it’s a choice. It’s a decision.

“When you commit to it, you commit to it not because happy ka lang. But when you accept it, you accept also the not very colorful ones because it’s not always rainbows and butterflies.

Dugtong ng dalaga, “Hindi siya parang fairy tale. As long as you know yourself, you know your partner.

“It will be a rollercoaster ride because it’s not rainbows and butterflies”.