Advertisers
KINUMPIRMA ni Department of Justice (DoJ) spokesperson Mico Clavano na pirmado na ni Secretary Jesus Crispin Remulla ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) para sa initial batch ng mga sangkot sa isyu ng flood control projects.
Ayon kay Clavano, pini-rmahan na ng kalihim partikular ang ‘request letter for issuance’ ni Senator Rodante Marcoleta ng Senate Blue Ribbon Committee.
Habang ang hiling ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon at iba pa ay posibleng mapirmahan na rin nitong Huwebes.
Kabilang sa mga ipinag-utos na maisyuhan at isailalim sa ‘travel monitoring’ ay ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga kontratista.
Kaya’t sa mga aksyon ay pabor maging ang commissioner ng Bureau of Customs na si Ariel Nepomuceno.
Sa pagtatanong naman kay Nepomuceno ukol sa ‘luxury cars’ ng pamilya Discaya, ibinahagi ng commissioner na sila’y sisingilin lamang sa kulang na binayarang halaga ng buwis.
Ngunit, aniya, posible rin ito kumpiskahin sakaling matuklasan ang malaking tuparin at sundin ang pagsunod na nakasaad sa batas.
Maari rin aniya itong lu-mabas sa pagkakakulong pag lumabas sa imbestigasyon na dinaya ang deklarasyon sa kung anong klaseng sasakyan ang pagmamay-ari.(Jocelyn Domenden)