Advertisers

Advertisers

DPWH, WALA MUNANG FLOOD CONTROL BUDGET SA 2026 — PBBM

0 9

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala munang bagong alokasyon ng pondo para sa flood control projects sa susunod na taon.

Sa ikalawang bahagi ng kanyang podcast, sinabi ng Pangulo na may natitirang ?350 bilyon na pondo para sa mga proyektong pangbaha ngayong 2025, at ito ay hindi pa nauubos.

Ayon sa kanya, kailangang ayusin muna ng mga contractor ang mga pending at palpak na proyekto bago pag-usapan ang panibagong pondo.

Iginiit niyang dapat tiyakin ng mga ito na nasusunod ang specifications at kalidad ng trabaho.

Nilinaw din ng Pangulo na walang ilalabas na karagdagang pondo ang gobyerno para rito.

Sa halip, iginiit ni Pangulong Marcos na sagot ng mismong mga contractor ang gastos sa pagpapatuloy at pagsasaayos ng kanilang mga proyekto. (Gilbert Perdez)