Advertisers

Advertisers

Like Her Sister Toni… Alex Gonzaga Effective Na Product Endorser At Masipag Mag-promote; Ariel Rivera May Movie Sa MMFF 2025

0 20

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

TULAD ng sister na si Toni Gonzaga, very effective rin na product endorser si Alex Gonzaga-Morada. At infairness to Alex ay ang sipag niyang mag-promote sa kanyang social media accounts ng mga ineendorsong produkto.

Kaya naman nagiging triple o sobra pa ang ROI o return of investment ng mga company na kumukuha sa kanya like Snailwhite, Glutalipo Juice, Sizzies.PH, Ayb’s Chef Paragis Herbal Tea and Capsules na kasamang endorser ang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. At ang isa pang bagong ineendorso na Online sending money app na Taptap send.

Siyempre lagi rin nilang pino-promote ng kanyang Ate Toni ang HAPPY CUP, na pag-aari ng kanilang Mommy Pinty na patuloy sa pagdami ng branch nationwide.

By the way, last September 14 ay nagkaroon ng personal appearance at meet and greet si Alex sa mga kababayan natin at mga distributor ng Chef Ayb’s Paragis sa Singapore. At ginanap ito sa Lucky Plaza Mall Orchard. Marami ang mga bumili ng produkto at pinagkaguluhan si Alex ng kanyang fans. Ang maganda kay Alex ay very accomodating siya sa mga gustong magpa-picture sa kanya. At dahil sa magandang PR ay hit na hit si Alex sa kanyang Vlog at Tiktok!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

***

ISA sa masasabing may “staying power” ang career sa showbiz ay itong si Ariel Rivera na matagal na naging alaga ni Kuya Boy Abunda sa Backroom, Incorporated at hangang ngayon ay nasa Backroom Talent Management Services pa rin.

Well, kaya matatag ang career ni Ariel ay dahil sa maliban sa tulong at suporta ng manager na si Kuya Boy ay mahusay siyang actor at siyempre as a singer performer kung saan dito siya nakilala at sumikat nang husto.

Ngayon ay may movie si Ariel sa MMFF 2025 na “MANILA’S FINEST” na produced ng MQuest Ventures ni Mr. Manny Pangilinan at ginanap ang story conference nito sa Meralco Theater. Gagampanan dito ni Ariel, ang character ni Conrad Belarmino. Nagdiwang pala kamakailan ng kanyang kaarawan ang gwapo pa ring singer-actor. At dahil ber month na at malapit na ang Pasko. Bida na naman sa airwaves ang popular na christmas song ni Ariel na “SANA NGAYONG PASKO.”