Advertisers
Ni Beth Gelena
NAMATAY na ang batikang Hollywood aktor na si Robert Redford sa edad na 89, nitong Martes, Sqetyembre 16, 2025.
Ang aktor na kilala ring direktor, at aktibista, ay pumanaw sa kanyang tahanan sa Utah.
Ang kanyang pagpanaw ay kinumpirma ng kanyang publicist; at wala raw foul play ang pagkamatay nito.
Kinumpirma ng kanyang publicist na si Cindi Berger ng Rogers & Cowan PMK na mapayapang namatay sa pagtulog ang aktor.
Ang pamilya ay humiling ng privacy habang sila ay nagdadalamhati sa malaking pagkawala ng aktor.
***
ALDEN DUMANAS NG HIRAP SA BAGONG FITNESS JOURNEY
IBINAHAGI ni Alden Richards ang kanyang pagba-bike sa Passo dello Stelvio na nasa Switzerland.
Inihayag ng aktor kung gaano kahirap ang dinanas niya sa pagba-bike dahil ang trail ay puno ng mga inclines.
Ang Passo dello Stelvio ay isang mountain pass sa hilagang Italya na nasa hangganan ng Switzerland. Itinuturing itong pinakamataas na sementadong mountain pass sa Eastern Alps, isang ruta na ginagamit ng mga propesyonal na siklista para sa kanilang pagsasanay.
Wika ng aktor sa kanyang IG Stories, “One of my most difficult ride so far. A place where pro cyclists train with the likes of Tadej Pogacar and others. No flat roads only climbs, with gradients minimum of 4? and a maximum of 16% for 31 km”
Ayon pa sa aktor, nakakatapos siya ng 31.62 kilometro sa loob ng tatlong oras at 17 minuto sa kanyang pagba-bike.
Kuwento pa ni Alden, “I almost gave up, lungs struggling, legs collapsing, thought in conflict, but I realized why I started this journey. These are moments I can call my own, my bike, my endurance, my skills, my crumbs.”
Dahil sa pagtatapos daw ng araw na iyun ang tanging kakumpitensya niya at ang kanyang sarili … wala ng iba.
“Stelvio, you’ve been very painful but you taught me a lot. . I will comeback for you…better and stronger.”
Pahabol pa ni Alden, “Cried in silence while eating a hotdog sandwich after reaching the finish line.”
Sa comment section ang daming humangang kaibigan at fans ng actor sa kanyang post.
Ibinahagi ng ibang netizens kung gaano sila ka-inspire sa aktor na nagseryoso sa kanyang fitness era.