Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng beauty queen-turned actress na si Yuki Sonoda.
Siya ay isang Pinay-Japanese na nagtapos ng kursong International Business Law sa Tokyo. Siya ay isang model at beauty queen sa Japan, na naging Miss Universe Japan- 2nd runner up.
Kabilang siya sa cast ng pelikulang ‘Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna’ na tinatampukan nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga.
Nagkuwento si Yuki hinggil sa role niya rito.
Aniya, “Ang role ko po sa movie, ako po si Sydney, bale ako po yung muse ng class namin, hehehe.”
Anong masasabi niya kina Andres at Ashtine?
“Napakabait and magaling po sila talaga, support na support po ako sa love team nila. Actually, ang buong cast po, napakabait nilang lahat, para kaming magkabarkada po.”
May scene ba na nakakasama niya ang hit na love team na ito? “Yes po, may eksena po ako with both of them, more with Andres,” matipid na tugon pa ng aktres.
How about sa direktor nila, ano ang masasabi niya kay Direk Jason Paul Laxamana?
“Napakagaling, mabait, and chill na director po si direk JP Laxamana. Sana ay maka-work ko siya ulit.”
Pahabol pa ni Yuki, “Aside po sa movie like Minamahal, nag-start na rin po akong mag-hosting ngayon, iyon po yung galing sa Viva.
“Iyong kay Nay Len (Carrillo) naman po, coming soon po iyong mga movie ko sa kanya.”
Showing na ang Minamahal… sa Sept. 24. Bahagi rin ng pelikula sina Joko Diaz, Giselle Sanchez, Gene Padilla, Phoebe Walker, at iba pa.
Anyway, isa rin si Yuki sa tampok sa pelikulang ‘Lost and Found’, starring Paolo Contis, Kelley Day, at Quinn Carrillo. Mula sa pamamahala ng award-winning director na si Louie Ignacio, ito ay hatid ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Vipe Studios ni Dave Villaflor.
Kasama rin si Yuki sa pelikulang ‘Die Father, Thy Son’ ni Direk Sid Pascua. Tampok sa pelikula sina JC Santos, Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino, James Clarence Fajardo, Quinn Carrillo, at iba pa.
Sa kaliwa’t kanang projects ngayon ni Yuki, umaaasa siyang ang taong ito ang simula para magtutuloy-tuloy na sa pagratsada ang kanyang showbiz career.