Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAY isang bagay na hindi gagawin si Judy Ann Santos at ito ay ang sumali sa pulitika.
Meaning, hindi siya mag-eendorso ng sinumang pulitiko o anumang political party.
Noon, bata pa siya ay nag-endorso na siyang minsan ng pulitiko.
“After nun, wala na akong in-endorse.
“Hindi naman ako na-trauma, nadala lang ako. Pero matagal yun, bata pa ako nun.
“Siyempre ginagawa ko lang naman ang sinasabi ng manager ko, di ba? Kung saan niya ako ibato, pupunta ako dun. But I should have known better.
“Looking back, I should have known better. I could have said no. I could have said yes.
“Ngayon kasi talaga, I cannot. I have to protect so many clients. I have to protect so many people.
“People would ask me, ‘Bakit hindi ka nag-e-endorse ng ganito?’ ‘Hindi po pupuwede.’
“And I think that’s a blessing.”
Samantala, kung no-no siya sa politics, bukas naman si Juday sa posibilidad na muling gumawa ng isang teleserye.
Pero nais niya na maiba naman kapag gumawa siyng muli ng teleserye.
“Ang gusto ko kasing series talaga ngayong gawin yung may mga… magbibigay ka ng values sa mga bata.
“Parang rampant na ngayon ng bullying, rampant na yung patayan, rampant na yung agawan ng asawa, agawan ng anak.
“Kumbaga, parang gusto ko sana ibalik yung wisdom sa mga bata, at yung hope sa mga tao. Kailangan natin ng hope ngayon.
“Kailangan natin ng encouragement sa mga tao na kaya natin to, e. Kaya nating bumangon, kaya nating magsama-sama at maging isa.
“Puro kasi… ang bigat sa puso ng mga napapanood natin. Pero kasi, yun ang kultura ng Pilipino.
“Gusto natin talaga yung nagbe-breakdown, gusto natin yung nagsasapakan, nagsasabunutan, nagsasampalan.
“Pero parang ako, gusto ko gumawa ng teleserye na mabuksan man lang yung mata ng mga tao na we were once compassionate. We were once human.
“Meron tayong pagkatao, meron tayong bait na binibigay sa mga tao.”
Isa si Juday sa pinagkalooban ng librong 50 Years Metro Manila Film Festival, Limang Dekada: Sine Sigla sa Singkuwenta sa ginanap na launch nito sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center, sa Pasay City kamakailan.
Bukod dito ay iniluklok si Juday sa Best Actress Hall of Famers sa pagkakapanalo niya ng tatlong MMFF Best Actress: Kasal, Kasali, Kasalo (2006), Mindanao (2019), at Espantaho (2024).
Siya rin ang hinirang na pinakabatang Best Actress Hall of Famer ng MMFF.
Very happy kami dahil kasabay ni Juday na nasa stage at tumanggap ng libro at pagkilala si Nora Aunor na ang representative ay ang panganay na anak ng yumaong Superstar, si Lotlot de Leon.
Historical iyon dahil first time na nasa iisang stage ang Prime Superstar (na dating kinikilalang Young Superstar) na si Judy Ann at ang anak ng Superstar na si Lotlot.