Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
AMINADO ang sexy actress na si Robb Guinto na mula pagkabata ay business minded na talaga siya.
Pahayag ni Robb, “Simula pa noong bata ako, business minded na ako. Noong nalaman ko yung value ng pera, talagang naghahanap na ako nang paraan para kumita. Naalala ko rati na kung anu-anong sideline talaga ang sinubukan ko, gaya ng pagbebenta ng kahit ano lang po. So hanggang ngayon, heto na po ako.”
Marami na rin siyang naging negosyo, ang latest ay ang kanyang Robb’s homemade Hamonado Bologna & Sweet Garlic Longganisa. Ibinida ng aktres ang kanyang latest business venture.
Wika ni Robb, “Malasa, juicy, at sakto ang timpla. Hindi siya yung tipong matamis lang o maalat lang tulad ng iba, as in balance talaga ang lasa niya. Iyong tipong kahit kanin lang katapat, solve na solve ka na.
“Siyempre, kapag natikman mo ito, hindi mo makakalimutan ang pangalan kong Robb… kapag natikman mo ‘to, mahihirapan ka nang bumalik sa dati mong longganisa. Promise!”
Bakit niya naisipang magtayo ng longganisa business?
“Kasi mula bata pa ako, longganisa na talaga paborito namin sa bahay. Eh sabi ko, kung mahilig kami rito, baka magustuhan din ng ibang tao yung timpla ko. Kaya sinubukan kong gawing negosyo at ayun, nagustuhan nga ng mga tao ‘yung lasa.”
Totoo ba, puwedeng siya mismo ang magdedeliver? “Oo naman po, basta pasok sa schedule ko o madadaanan, puwede akong mag-deliver. Lalo na kung bultuhan, mas madali nating mapag-uusapan ‘yan. Hahaha!”
Paano ang pag-order ng kanyang longanisa at bologna? “Madali lang po. they can order directly sa Facebook page namin – Robb’s Homemade Products. Mag-message lang sila roon at aasikasuhin namin agad, para ma-try din nila ang iba pa naming mga produkto.”
Anyway, ano ang projects niya ngayon? “For now, balik po ako sa Pepito Manaloto. Busy rin ako sa iba’t ibang event shows at may mga upcoming movies din na aabangan.”
Ano ang feeling na nakatawid na siya sa mainstream TV at may pelikulang naipalabas na sa mga sinehan at hindi lang pang-VMX?
“Siyempre po, malaking pasasalamat sa lahat ng taong sumusuporta sa akin. Pero sa totoo lang, mas focus ako sa kung anong roles at projects ang ibibigay sa akin. Wala naman po akong pinipili, basta trabaho, gagawin ko nang maayos,” nakangiting sambit pa ni Robb.