Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
UNANG TV show ng sexy actress na si Alona Navarro ang ‘Sanggang Dikit FR’ ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Aniya, “Ito po ang first time na naging part ako ng isang TV show at mainstream TV pa po. Kaya super-thankful po ako talaga sa blessing na ito, nagpapasalamat po ako lalo na po sa manager ko, kay Mami Jo (Jojo Veloso).”
Nabanggit din ng aktres na bilib siya sa husay nina Dennis at Jennylyn.
Pahayag ni Alona, “Sobrang galing po nina kuya Dennis at ate Jen, kapag nakaka-eksena po namin sila, minsan ay nahihiya kami… Kasi ang galing talaga nila, makikita nyo po talaga na magaling sila na sa mata pa lang po nila, nakikita na agad iyong lalim ng emotions sa acting nila.”
Ayon pa sa aktres, supportive sina Dennis at Jen kahit newbie pa lang siya sa TV.
“Yes po, ‘tsaka never po nila pina-feel na baguhan kami. At sa buong production, sobrang maalaga po nila. Iyong buong cast ay friendly po, like sina Sam Pinto and kuya Joross (Gamboa) din po,” pakli pa ni Alona.
Ano ang role niya rito? “Sa Sanggang Dikit FR po, gumaganap po ako as Peach, na kapitbahay ni Tonyo (Dennis) na may crush sa kanya. Actually, kami pong dalawa ni Ayanna (Misola), hehehe.”
Masayang dagdag pa niya, “Until now po ongoing (ang role ko), nadagdagan po nang nadadagdagan hehehe. Kaya sobrang happy ko po, natuwa po yata sila sa amin.”
Ano ang kanyang dream role? “Comedy and drama po, kahit hindi bida po… actually gusto ko po yung role na kontrabida.”
Bakit kontrabida role? “Lahat po kasi nag-e-aim na maging bida and for me, mas challenging po ang maging kontrabida, sa palagay ko po.”
Nabanggit din niya ang peg at idol na kontrabida.
“Ang mga bida-kontrabida po na sina Kyline (Alcantara) and Julia Montes at Julia Barretto po ang peg o gusto ko po,” wika pa ni alona.