Advertisers

Advertisers

Posible magaya ang mag-asawang Discaya kay Napoles

0 28

Advertisers

‘GUILTY’ sa 13 counts ng money laundering ang tinaguriang ‘pork barrel queen’ na si Janet Lim Napoles na kasalukuyang nakakuilong simula 2018.

Ang bawat count ay may katumbas na pito hanggang 14 taon na pagkakulong. Ibig sabihin ay makukulong si Napoles ng maximum of 182 years. Araguy!!! Kung Santo siguro siya ay maaring makakalabas pa siya ng buhay.

Oo! Mabubulok na sa kulungan si Napoles.



Ang sinapit na ito ni Napoles ay babala sa mga sakim at mandarayang kontraktor na nakikipagsabwatan sa mga politiko.

Kabilang sa mga naging kliyente noon ni Napoles ay ilang kongresista at senador.



Sa mga politikong nagpadaloy ng pork sa banga ni Napoles, nakulong sina dating Senador Bong Revilla at Juan Ponce Enrile, at kasalukuyang senador Jinggoy Estrada.

Si Revilla ay pinawalang-sala matapos ang ilang taon na pagkakulong pero ang kanyang chief of staff ay ‘guilty’ at namatay sa kulungan, pinababalik sa kanya ang P125m pork na nalustay daw sa mali. Naibalik na ba?



Sina Estrada at Enrile naman ay nakalaya sa piyansa.

Kamakailan, binasura ng Sandiganbayan ang hirit ni Estrada na pawalang-sala siya. Sinabi ng graft court na matibay ang ebidensiya laban sa senador.

Si Estrada ay muling nahaharap sa reklamong pagkuha ng 30 percent kickback sa ibinabang proyekto sa flood control projects sa Bulacan at kasalukuyang iniimbestigahan ng Independent Commission for Infrastructure at ng Senado’t Kamara mismo.

Maliban kay Estrada, ibinunyag din ng DPWH-Bulacan 1st district engineers na sina Sen. Joel Villanueva, Sen. Chiz Escudero, ex-Sen. Bong Revilla at ex-Sen. Nancy Binay, at ilang kongresista ang kumuha ng hanggang 25 percent kickback sa kanilang mga ibinabang pondo sa maanomalyang flood control projects na kinontrata ng mag-asawang Curlee at Sara Discaya, na nagmamay-ari 9 construction companies na sangkot sa mga palpak at guni-guning mga proyekto.

Obkors pinasungalingan ito lahat ng mga naturang politiko. Magdedemanda raw sila laban sa mga naturang engineer. Sus! Isasabit ba sila ng mga DPWH engineer na ito kung walang katotohanan?

Sinampahan na nga ng reklamo ng Department of Justice sina Engineer Henry Alcanta, Brice Hernandez, Jaypee Mendoza at mag-asawang Discaya sa flood control anomalies.

Kung mahatulan man ang mga engineer na ito at ang mag-asawang Discaya, dapat kasama ang naturang mga politiko na kumamal ng malaking komisyon sa mga proyektong kanilang ibinaba. Dahil bawal na bawal ito sa batas.

Malakas ang kutob ko na magagaya ang mag-asawang Discaya kay Napoles. Tama lang! Pero dapat kasama rin sa mabulok sa kulungan ang mga sakim na politiko, Mismo!